09/11/2025
Ayon sa latest Tropical Cyclone Bulletin No. 12 ng PAGASA kaninang 5:00 PM, si Super Typhoon Uwan ay inaasahang mas mapapalapit sa susunod na labindalawang oras. Pagsapit ng 2:00 AM ng Nobyembre 10, tinatayang ang sentro ng bagyo ay nasa 30 kilometro hilagang-kanluran ng Dagupan City, Pangasinan. Kung saan magtataglay ito ang 140 km/h na hangin.
Asahan ang malalakas na ulan at hangin ngayong gabi. Maghanda at lumikas na habang maaga pa, lalo na kung nasa mababang o baybaying lugar.
Manatiling nakatutok sa mga abiso ng PAGASA at ng lokal na pamahalaan. Ingat po tayong lahat!