PESO Agoncillo

PESO Agoncillo Official page of PESO Magandang Agoncillo,Batangas

MANIBELA AT KALIGTASAN: DALAWANG ARAW NA PAGSASANAY SA DEPENSIBANG PAGMAMANEHO NG MGA DRAYBER NG LOKAL NA PAMAHALAAN AT ...
13/08/2026

MANIBELA AT KALIGTASAN: DALAWANG ARAW NA PAGSASANAY SA DEPENSIBANG PAGMAMANEHO NG MGA DRAYBER NG LOKAL NA PAMAHALAAN AT MGA BARANGAY πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Sinimulan kahapon ang Pagsasanay sa Depensibang Pagmamaneho para sa mga driver ng Lokal na Pamahalaan at mga barangay, na ginanap sa G. Brotonel Events Center, Agoncillo, Batangas.

Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Public Employment Service Office at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas, responsable, at mahusay na pagmamaneho para sa ating mga kababayan.

Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa depensibang pagmamaneho, wastong pag-iingat sa kalsada, at maagap na pagtugon sa iba’t ibang sitwasyong maaaring maranasan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang kaligtasan ng mga kawani, mga drayber, at higit sa lahat, ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

Matibay ang paniniwala ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na ang dapat masigurado ang kaligtasan sa bawat biyahe at kaakibat nito pananagutan sa bawat pagmamaneho.



7 slot p po available  mag register  n po kau sa tanggaoan ng PESO
08/08/2026

7 slot p po available mag register n po kau sa tanggaoan ng PESO

01/08/2026
Unang Araw ng Agosto hatid ay biyaya,(Medical Mission)Programang pang kalusugan sa bawat mamayan at manggagawang Agoncil...
01/08/2026

Unang Araw ng Agosto hatid ay biyaya,(Medical Mission)
Programang pang kalusugan sa bawat mamayan at manggagawang Agoncillian



01/08/2026

AGONCILLO, Batangas – This town has issued Executive Order No. 37 creating the Municipal Anti-Illicit Trade Task Force and the Municipal Anti-Illicit Trade...

30/07/2026

πŸ“’ HIRING ALERT!

Magandang balita, mga Jobseekers ng Agoncillo at karatig-bayan!

May pagkakataon na namang makahanap ng trabaho sa gaganaping Local Recruitment Activity sa pakikipagtulungan ng PESO Agoncillo at Maxim De Humana International Inc.

Kung ikaw ay naghahanap ng bagong oportunidad sa trabaho, huwag palampasin ang pagkakataong ito. Dalhin ang inyong updated resume at iba pang kinakailangang dokumento at magtungo sa itinakdang lugar at oras.

πŸ“… July 30, 2026
πŸ•˜ 9:00 AM
πŸ“ Conference Room (2nd Floor), J. Mendoza Municipal Building

Tara na at simulan ang mas magandang kinabukasan! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng lumalaking kumpanya. Kita-kits! πŸ’Όβœ¨

TSEK UP NA! LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA AGONCILLIAN πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨Kabayan, alam mo ga? Sa darating na Sabado at Li...
30/07/2026

TSEK UP NA! LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA AGONCILLIAN πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Kabayan, alam mo ga? Sa darating na Sabado at Linggo, mayroong serbisyo para sa iyo!

Hatid nina Senator Risa Hontiveros at Congressman Atty. King Collantes katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang TSEK UP NA!. Ito ay isang libreng medical check-up program na layuning mailapit ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Sa August 1–2, 2026 (Sabado at Linggo) na gaganapin sa ating G. Brotonel Events Center, mula ika- 8:00 AM hanggang hapon.

Mga Libreng Serbisyo:
β€’ Vital Signs Check (Triage)
β€’ Blood Test (Blood Extraction)
β€’ Laboratory Test
β€’ Doctors Consultation
β€’ Free Medicines
β€’ Medical/Check-Up Summary

PAALALA SA INYO KABAYAN:
Huwag kalimutang magdala ng photocopy ng isang (1) valid ID, upang maging maayos at mabilis ang inyong pagpaparehistro.
Inaanyayahan ang lahat ng Agoncillian na samantalahin ang pagkakataong ito upang mabantayan at mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ang regular na pagpapatingin sa doktor ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na pamayanan.

Ano Kabayan? Pa-TSEK UP NA! ❀️


πŸ“’ TESDA TRAINING | SHIELDED METAL ARC WELDING (SMAW) NC INais mo bang magkaroon ng bagong kasanayan at mas malaking opor...
28/07/2026

πŸ“’ TESDA TRAINING | SHIELDED METAL ARC WELDING (SMAW) NC I

Nais mo bang magkaroon ng bagong kasanayan at mas malaking oportunidad sa trabaho? Sumali na sa TESDA Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I at maging isang certified welder!

βœ… Libreng pagsasanay
βœ… TESDA National Certificate (NC I)
βœ… Dagdag kaalaman at oportunidad sa lokal at maging sa ibang bansa

πŸ“Œ Mahalagang Paalala:
Makipag-ugnayan at magparegister sa tanggapan ng PESO upang maisama sa listahan ng mga kalahok.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Mag-enroll na at simulan ang landas tungo sa mas magandang kinabukasan. πŸ’™πŸ› οΈ

πŸ“’ ONGOING LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY!Naghahanap ng trabaho? Ito na ang inyong pagkakataon! πŸ’ΌNarito na ang EPSON Precisio...
27/07/2026

πŸ“’ ONGOING LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY!

Naghahanap ng trabaho? Ito na ang inyong pagkakataon! πŸ’Ό

Narito na ang EPSON Precision (Philippines) Inc. sa pangunguna ng PESO Agoncillo para sa Local Recruitment Activity. Maraming bakanteng posisyon ang naghihintay sa mga kwalipikadong aplikante.

πŸ“ Municipal Conference Room (2nd Floor, Municipal Building)
⏰ Ngayon | 9:00 AM onwards

Dalhin lamang ang inyong updated resume at samantalahin ang pagkakataong ma-HIRED ON THE SPOT!

Good luck sa lahat ng job seekers! πŸ’™πŸ’›

Address

Municipal Hall
Agoncillo
4211

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639776509105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PESO Agoncillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share