11/04/2026
11 April 2026
IN PHOTOS | Sa ilalim ng pamumuno nina FCSUPT ROY RODERICK P. AGUTO, DSC, Regional Director ng Bureau of Fire Protection Region IV-A, FSSUPT ANNALEE G. CARBAJAL-ATIENZA, DSC, Provincial Fire Marshal ng Batangas, at SFO4 David A. Landicho, Acting Municipal Fire Marshal, ang mga tauhan ng Kawanihan ng Pamatay-Sunog-Agoncillo ay rumesponde sa isang grassfire sa Barangay Subic Ilaya, Agoncillo, Batangas.
Sa panahon ng tag-init, mas mataas ang panganib ng grass fire. Sama-sama nating iwasan ang sunog sa simpleng pag-iingat. Tandaan: Ang maliit na kapabayaan ay maaaring magdulot ng malaking sakuna. π₯π
π« Iwasan ang pagsusunog ng damo at basura
Huwag magsunog lalo na sa tuyong panahonβmadaling kumalat ang apoy.
π‘ Huwag magtapon ng upos ng sigarilyo kung saan-saan
Siguraduhing patay na ito bago itapon.
π₯ Panatilihing malinis ang paligid
Tanggalin ang tuyong damo, dahon, at mga madaling masunog.
β‘ Iwasan ang faulty electrical connections sa open areas
Ang mga sirang kable ay maaaring pagmulan ng sunog.
π¬οΈ Mag-ingat sa malakas na hangin
Mas mabilis kumalat ang apoy kapag mahangin.
π¨βπ Agad i-report ang anumang sunog
Tumawag agad sa pinakamalapit na fire station.
π§ Maghanda ng tubig o fire extinguisher
Para agad makontrol ang maliit na apoy bago lumala.
π"Dekalidad na Serbisyo, Tapat at Totoo sa Bayan ng Agoncillo"
βοΈIn case of fire and other emergencies, please call:
Telephone Number: 043) 783- 2762
Hotline Number: 0981-480-5828
βοΈFor Complaints, Issues, and Concerns, please message us or call:
0991-358-8051