11/12/2025
Magandang gabi po sa lahat.
Nais lamang pong linawin ng Sangguniang Kabataan ng Aloleng ang mga sirkulasyon sa social media patungkol po sa pondo ng SK. Nais po naming ipabatid sa lahat na ang natitirang budget po para sa Sports ay gugugulin o ilalaan po para nalalapit na inter-barangay o sports tournament sa bayan ng Agno, para sa atin pong mga manlalaro na magrerepresenta sa ating cluster. Ngayon, bakit po namin nasabi na “natitirang budget?”, marahil hindi na po lingid sa inyong kaalaman na mayroon po tayong binili na bagong basketball ring na kasalukuyang nasa Centro Plaza ng ating Barangay. Ang halaga ng nasabing 2 bagong basketball board and ring ay hindi rin po biro, ibig sabihin, may kamahalan. For transparency po, nasa 40k na lamang ang natitirang pondo mula sa kabuuang 90k na para sa SPORTS. Muli, ang halagang (40k) ay ilalaan po para sa mga expenses sa mga larong basketball, volleyball, sepak takraw, chess, at badminton. Hindi rin po basta-basta nailalabas ang 40k dahil dumadaan pa ito sa ating Barangay.
Nais rin po naming linawin ang mga kumakalat na balita na animo’y amin pong ibinubulsa ang naturang pondo ng Sangguniang Kabataan, ito po ay FAKE NEWS. Ang pondo po ng SK ay nanggagaling pa rin po sa Barangay, opo, sa Barangay. Ibig sabihin lamang nito na hindi pa po nata-transfer sa account ng SK ang pondo. Hanggang ngayon po ay hinihingi pa rin po namin ang APPROVAL na manggagaling mismo sa Barangay.
Kung kayo’y dumadalo at nakikibahagi man lang po sana sa mga ginaganap na KK Assembly sa Barangay, malalaman niyo kung saan napupunta ang pondo ng SK, higit lalo sa mga expenditures. Hindi rin lamang po nakapokus sa SPORTS ang pondo ng SK dahil mayroon pa pong ibang committee kagaya ng Education, Health, atbp. Hindi po MILYON ang pondo ng SK. Isa pa, hindi rin po sakop ng aming pondo ang infrastructures.
Nawa’y inunawa at binasa niyo po ito ng maigi upang maiwasan ang anumang FAKE NEWS sa ating Barangay. Thank you and God bless po sa’ting lahat!