03/06/2026
๐๐๐ฆ๐ฆ ๐๐๐จ๐๐๐ฌ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐ฆ๐๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Noong 03 Hunyo 2026, aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Abucay sa Brigada Eskwela 2026 na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ na ginanap sa Tomas Pinpin Memorial Elementary School, Abucay, Bataan.
Kasama ang mga g**o, magulang, at iba pang boluntaryo, nagsagawa ang mga tauhan ng CGSS Abucay ng ibaโt ibang gawain tulad ng pagpuputol ng mga sanga ng puno, paglilinis ng paligid ng paaralan, pag-aalis ng mga nakaharang na halaman, at paghahanda ng mga pasilidad upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang pakikilahok na ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Philippine Coast Guard sa sektor ng edukasyon at sa pagsusulong ng diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng programang ICARE (Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement).
๐ต๐ญ