Abucay MPDO

Directions

Abucay MPDO MPDO - ABUCAY, Bataan

17/11/2024

Narito ang mga dapat gawin at mga inaasahang panahon sa bawat signal ng bagyo at rainfall warning:

Public Storm Warning Signals
Signal No. 1
Inaasahang Panahon: Hangin na may lakas na 30-60 kph sa loob ng 36 oras. Maaaring may mahina hanggang katamtamang ulan.
Dapat Gawin:
Mag-monitor ng balita.
Siguraduhing handa ang emergency kit.
I-secure ang magagaan na bagay sa paligid na maaaring tangayin ng hangin.

Signal No. 2
Inaasahang Panahon: Hangin na may lakas na 61-120 kph sa loob ng 24 oras. Maaaring magdala ng katamtaman hanggang malakas na ulan.
Dapat Gawin:
Maghanda para sa posibleng pagkawala ng kuryente.
Tiyakin na may sapat na pagkain, tubig, at gamot.
I-secure ang mga mahahalagang gamit.
Limitahan ang paglabas ng bahay.

Signal No. 3
Inaasahang Panahon: Hangin na may lakas na 121-170 kph sa loob ng 18 oras. Malakas na ulan at mataas na posibilidad ng pagbaha at landslide.
Dapat Gawin:
Lumikas kung nasa flood-prone o landslide-prone na lugar.
Iwasan ang paglalakbay.
Makinig sa mga utos ng lokal na pamahalaan.

Signal No. 4
Inaasahang Panahon: Hangin na may lakas na 171-220 kph sa loob ng 12 oras. Matinding ulan, pagbaha, at pinsala sa ari-arian.
Dapat Gawin:
Lumikas kaagad kung inatasan ng awtoridad.
Mag-stay sa matibay na istruktura.
Mag-ingat sa mga debris at baha.

Signal No. 5
Inaasahang Panahon: Hangin na higit sa 220 kph sa loob ng 12 oras. Matinding pinsala sa istruktura, pagbaha, at landslide.
Dapat Gawin:
Lumikas agad.
Maghanap ng mas ligtas na lugar o evacuation center.
Sumunod sa mga direktiba ng lokal na awtoridad (Pamahalaang Barangay/Munisipyo).

Rainfall Warning System
Yellow Rainfall Warning
Inaasahang Panahon: 7.5-15 mm na ulan kada oras (mahina hanggang katamtaman na pag-ulan).
Dapat Gawin:
Mag-ingat sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar.
Maghanda sa posibleng paglikas.

Orange Rainfall Warning
Inaasahang Panahon: 15-30 mm na ulan kada oras (katamtaman hanggang malakas na pag-ulan).
Dapat Gawin:
Maghanda sa posibleng malawakang pagbaha.
Lumikas kung nasa flood-prone area.

Red Rainfall Warning
Inaasahang Panahon: Higit sa 30 mm na ulan kada oras (matinding pag-ulan).
Dapat Gawin:
Lumikas agad sa ligtas na lugar.
Maghanda sa malawakang pagbaha at posibleng landslide.

Palaging mag-monitor ng balita mula sa Dost_Pagasa at sundin ang mga direktiba ng lokal na pamahalaan (Pamahalaang Barangay/Munisipyo) upang manatiling ligtas.

🎉Congratulations Municipality of Abucay!Back to back SGLG National Awardee.
15/11/2024

🎉Congratulations Municipality of Abucay!
Back to back SGLG National Awardee.

11 Nobyembre 2024/Pamahalaang Bayan ng Abucay nagkamit ng 10th place sa INNOVATION (sa buong Central Luzon) sa 2024 Citi...
11/11/2024

11 Nobyembre 2024/Pamahalaang Bayan ng Abucay nagkamit ng 10th place sa INNOVATION (sa buong Central Luzon) sa 2024 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) na ginanap sa SMX Convention Center, Clark FPZ, Pampanga na dinaluhan ng iba pang mga kawani ng lungsod at munisipalidad sa Gitnang Luzon.

Ang Innovation sa CMCI (Cities and Municipalities Competitiveness Index) ay tumutukoy sa pagiging malikhain at makabago ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga proyekto, programa, at serbisyong pampubliko. Sa CMCI, ang innovation ay sinusukat upang malaman kung gaano kahusay na nakakapagpatupad ng mga bagong ideya o teknolohiya ang isang lungsod o munisipalidad para mapabuti ang kanilang komunidad at kabuhayan ng mga residente.

Dumalo dito sina Atty. Brian Tagle (Municipal Administrator) bilang representative ni Mayor Robin C. Tagle , Justine Rosanto (MIS), Jasfher Abrenalin (MO), Ellaine Gabriel (BPLO, CMCI Focal Person) at Allan Buatis (MPDO, CMCI Alternate Focal Person).


September 21, 2024 / Bacood Coastal, Barangay Omboy      Nakiisa ang MPDO kasama ang Jose Abejar Memorial Elementary Sch...
23/09/2024

September 21, 2024 / Bacood Coastal, Barangay Omboy

Nakiisa ang MPDO kasama ang Jose Abejar Memorial Elementary School, Mswd Abucay, Abucay Bataan Pnp , Menro-Abucay at ang Barangay Council & Tanod ng Omboy sa taunang International Clean-up Day.
Ang pangunahing layunin ng International Coastal Clean-up Day ay hindi lamang ang paglilinis ng mga dalampasigan kundi pati na rin ang pagtaas ng kamalayan sa mga isyu ng basura sa karagatan at ang epekto nito sa kapaligiran, buhay-dagat, at kalusugan ng tao.


September 19, 2024BISITA BAYAN sa Barangay ni Gov. Joet Garcia     Ang Bisita Bayan ay naglalayong dalhin ang mga progra...
20/09/2024

September 19, 2024

BISITA BAYAN sa Barangay ni Gov. Joet Garcia
Ang Bisita Bayan ay naglalayong dalhin ang mga programa at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa bawat lungsod o bayan.
Sa pamamagitan ng Bataan Public-Private Partnership and Investment Center (BPPPIC) nagsagawa ng Project Concept Note (PCN) Workshop kasama ang mga siyam (9) na Punong Barangay, Kagawad at Barangay Treasurer ng Abucay. Ang workshop na ito ay mahalaga upang maayos na maisagawa ang plano at mapadali ang pagsisimula ng proyekto. Sa pamamagitan ng PPP, ang barangay ay nagiging mas makabago, mas epektibo sa pagbigay ng serbisyo, at mas may kapasidad na magpatupad ng mga proyekto na kapaki-pakinabang para sa lahat ng residente.


Buwan ng Kababaihan - Purple Fridays. Ang Pamahalaang Lokal ng Abucay, sa pangunguna ng MSWDO Abucay, ay nagsagawa ng is...
22/03/2024

Buwan ng Kababaihan - Purple Fridays. Ang Pamahalaang Lokal ng Abucay, sa pangunguna ng MSWDO Abucay, ay nagsagawa ng isang ZUMBA DANCE event ngayong umaga ng Biyernes (March 22) sa harap ng New Abucay Municipal Hall kasama ang sektor ng PWD-Abucay. Ang mga kababaihan at lalo na ang mga kalalakihan ay nagsuot ng kanilang mga damit o aksesorya na lila upang ipakita ang kanilang suporta sa karapatan ng kababaihan at pantay na pagtingin sa kasarian. Ang Buwan ng Kababaihan ay ipinagdiriwang tuwing Marso upang kilalanin ang mga tagumpay ng mga kababaihan at magtaas ng kamalayan tungkol sa karahasan sa tahanan, seksismo, at iba pang mga pagsubok na kinakaharap ng mga kababaihan.

Bilang mga miyembro ng GAD Focal Point System Executive Committee, parehong mahalaga ang mga papel at responsibilidad ni Mayor Robin C. Tagle at ni Vice Mayor Roberto "Wangbu" Pabustan sa pagpapalakas ng epektibong implementasyon ng mga inisyatibo sa gender mainstreaming sa kanilang lokal na pamahalaang yunit (LGU).

Sa pangkalahatan, parehong ang Mayor at Vice Mayor ay inaasahang magtulungan, kasama ang iba pang mahalagang stakeholders, upang isulong ang gender equality at women's empowerment sa loob ng kanilang LGU, tiyakin na ang mga prinsipyong GAD ay nakapaloob sa lahat ng aspeto ng pamamahala at pagpaplano sa pag-unlad.



COVID-19 UPDATE as of 4pm Jan 12, 2024      Umabot na sa kabuuang bilang na 2,421 ang nagpositibo sa Covid-19 na taga-Ab...
15/01/2024

COVID-19 UPDATE as of 4pm Jan 12, 2024
Umabot na sa kabuuang bilang na 2,421 ang nagpositibo sa Covid-19 na taga-Abucay; 2,311 ang naka-recover; 105 ang pumanaw; at 5 ang aktibong kaso na mula sa mga sumusunod na Barangays:
Calaylayan- 1
Capitangan- 1
Gabon- 1
Mabatang- 1
Salian- 1

IWASAN ANG COVID-19:
1. Magpabakuna / magpa-booster.
2. Magsuot ng facemask lalo na sa kulob at mataong lugar.
3. Physical Distancing ng 1-2 metro.
4. Magsabon o magdisinfect palagi ng mga kamay.





Mayor Robin C. Tagle
Vice Mayor Roberto "Wangbu" Pabustan

19/12/2023
16/11/2023
30/09/2023

Address

Abucay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abucay MPDO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share