01/06/2026
May 30, 2026 | Week 20
๐๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ๐๐ก ๐
๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐
๐Sitio Aluyan, Barangay Tibag
Isinagawa ang Barkada Kalinisan Day kasabay ng Barangay Road Clearing bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng barangay para sa malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran. Sa pangunguna ng Punong Barangay Joven R. Quito, Jr., aktibong nakiisa ang mga barangay officials, Barangay Tanod, at mga boluntaryong residente ng Barangay Tibag sa paglilinis at pagtanggal ng mga sagabal sa kalsada upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mamamayan.
Ang gawaing ito ay patunay ng pagkakaisa at bayanihan ng komunidad, kung saan ang sama-samang pagkilos ay nagdudulot ng positibong pagbabago. Patuloy ang barangay sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaunlaran ng ating pamayanan.