Hebron Minority School

Hebron Minority School ๐—›๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น

06/05/2026
Hebron Minority SchoolGraduation Ceremony 2026 ๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“March 30, 2026TEMA: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang may...
30/03/2026

Hebron Minority School
Graduation Ceremony 2026 ๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“
March 30, 2026

TEMA: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao"

CONGRATULATIONS, everyone! ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Maraming salamat din po ang aming ipinapaabot sa mga taong naging kaagapay ng paaralan para maging matagumpay ang Araw na ito. โค๏ธ

Hebron Minority School Moving-Up Ceremony 2026 ๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“March 30, 2026THEME: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang ma...
30/03/2026

Hebron Minority School
Moving-Up Ceremony 2026 ๐Ÿง‘โ€๐ŸŽ“

March 30, 2026

THEME: "Pilipinong Nagsipagtapos: Handang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao"

CONGRATULATIONS, everyone! ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

Maraming salamat din po ang aming ipinaaabot sa mga taong naging kaagapay ng paaralan para maging matagumpay ang Araw na ito. โค๏ธ

Fire fighters in action. ๐Ÿš’Nagkaroon ng insidente ng sunog sa likurang bahagi ng Hebron Minority School kaninang 1:00 ng ...
12/03/2026

Fire fighters in action. ๐Ÿš’

Nagkaroon ng insidente ng sunog sa likurang bahagi ng Hebron Minority School kaninang 1:00 ng hapon na malapit na ring umabot sa paaralan. Agad itong naagapan dahil sa mabilis na aksyon ng mga kinauukulan.

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kay SB Maybelle Villalobos sa agarang pakikipag-ugnayan sa BFP. Lubos din ang aming pasasalamat sa BFP-Abra de Ilog lalo na kina SFO1 Aeron Carlo P. Altura, FO1 Reyben D. Albaรฑo, FO1 Jayson B. Dantayana at
FO1 Judith D. Laab sa mabilis na pagresponde at pag-apula ng sunog upang matiyak ang kaligtasan ng paaralan at komunidad.

Maraming salamat po sa inyong agarang aksyon at serbisyo para sa kaligtasan ng lahat.


Fire Safety Orientation at Fire Drill | Isang Araw ng Kaalaman at Kahandaan Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang ...
18/02/2026

Fire Safety Orientation at Fire Drill | Isang Araw ng Kaalaman at Kahandaan

Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa ang Fire Safety Orientation, Fire Drill at Earthquake Drill sa Hebron Minority School sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection โ€“ Abra de Ilog Station.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral at g**o tungkol sa pag-iwas sa sunog at wastong paglikas sa oras ng sakuna. Mahalaga ang ganitong orientation upang mahubog ang disiplina, pagiging alerto, at kahandaan ng buong paaralan โ€” dahil ang kaligtasan ay nagsisimula sa tamang kaalaman.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa BFP Abra de Ilog Station sa kanilang oras, dedikasyon, at pagbabahagi ng mahahalagang aral sa fire safety. Maraming salamat po sa patuloy ninyong paglilingkod para sa kaligtasan ng aming komunidad! ๐Ÿš’

Paunawa: ang mga kuhang larawan ng mga Bata ay may pahintulot.


Opisyal na pagsisismula ng ARAL Program sa Hebron Minority School.๐Ÿ“šNgayong araw, matagumpay na isinagawa ang kick-off ng...
15/09/2025

Opisyal na pagsisismula ng ARAL Program sa Hebron Minority School.๐Ÿ“š

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang kick-off ng ARAL Program sa pangunguna ng mahal naming Ulong G**o, Gng. Ligaya L. Quiรฑones, kasama ang masisipag na mga g**o at masiglang dinaluhan ng ating mga mag-aaral.

Ang ARAL o "Access, Retention, and Alternative Learning" ay isang programang inilunsad ng Department of Education na layuning palakasin ang kasanayan ng mga bata sa pagbasa at pag-unawa, upang matiyak na sila ay handang-handa sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Ipinaliwanag ni Gng. Angel Ellaine D. Causapin, Master Teacher II, ang kahalagahan ng ARAL program at ang magiging papel nito sa pagbibigay-suporta sa mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na tulong sa pagbasaโ€”isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at epektibong pagkatuto.

Ang ating paaralan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa layunin ng edukasyon para sa lahat. Sama-sama nating itaguyod ang "Bawat Bata Bumabasa!"


Outreach with a Purpose Isang araw ng pagbibigay, pagkatuto, at pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan!Noong...
13/09/2025

Outreach with a Purpose

Isang araw ng pagbibigay, pagkatuto, at pagtutulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan!

Noong Setyembre 13, 2025, matagumpay na isinagawa ang Outreach Program ng TESDA - Occidental Mindoro sa Hebron Minority School. Kabahagi sa gawaing ito ang LGU-PESO at Office of Mangyan Affairs (OMA).

Ipinamahagi sa mga mag-aaral Ang 100 school supplies at 100 first aid kits naman ang natanggap ng mga magulang. Nakatanggap rin ang lahat ng mag-aaral at magulang ng Baked goods mula sa mga estudyante ng TESDA.

Nagsagawa rin ang TESDA ng training sa solar panel installation at workshop sa paggawa ng organic fertilizer na higit na makakatulong sa kabuhayan ng mga magulang sa Hebron Community.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakibahagi sa programang ito. Sama-sama nating itinataas ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng edukasyon, kasanayan, at malasakit.

(Ang mga larawan ng mga bata na kuha sa araw na ito ay may pahintulot ng mga magulang.)



Hebron Minority SchoolSchool Intramurals 2025 โค๏ธ
31/08/2025

Hebron Minority School
School Intramurals 2025 โค๏ธ

Address

So. Hebron, Barangay Balao
Abra De Ilog

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hebron Minority School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Hebron Minority School:

Share

Category