14/10/2024
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒
ORIENTATION - 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐋𝐀𝐖𝐀 (𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐝𝐚𝐩𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐨 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬) 𝐚𝐭 𝐁𝐈𝐍𝐇𝐈 (𝐁𝐫𝐞𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐬𝐮𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐮𝐬 𝐇𝐚𝐫𝐯𝐞𝐬𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐯𝐞𝐫𝐢𝐬𝐡𝐞𝐝)
Nagkaroon ng Orientation at Day-1 ang 250 beneficiaries ng kanilang 20-day Cash-for-Training-and-Work (CFTW) ang mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa ating bayan ng Bayan ng Abra de Ilog
Ang programang ito ay kolaborasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program.
Dinaluhan ang aktibidad na ito ng ating Municipal Social Welfare and Development Officer, Elonie R. Ebora, MDRRM Oficer Geoffrey DM. Panganiban, Agricultural Technologist Marishiel Paz, Agricultural Technician Ricky Jay Gutierez at MSWD DRRM Focal Janze Jethrew Manalo
Ang layunin ng aktibidad na ito ay magbigay ng karagdagang kita sa mga pamilyang benepisyaryo, labanan ang gutom, at bawasan ang kahirapan. Sa pamamagitan ng mga proyektong nakatuon sa pagbuo ng mas ligtas at sapat na suplay ng tubig (water sufficiency) at pagkain (food security), inaasahang mas mapapalapit ang mga komunidad sa isa't isa.
Mahalaga ang mga hakbang na ito sa paghahanda laban sa mga epekto ng climate change, lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng mga pagbabago sa klima. Ang parehong programa ay tumutulong sa pagbuo ng sustainable development sa mga komunidad, na nagreresulta sa mas malawak na kaunlaran.