02/10/2022
Permission to post.
"G**O"
isinulat ni: Nathaniel Aytona
Magandang araw mga bata bungad niya sa amin,
Siya na araw-araw bumibigkas sa hangin,
Gagawin ang lahat upang kami ay linangin,
Mahusay na pagtuturo ang alay niya sa amin.
Umaga at gabi siya ay walang pahinga,
Buhay pagtuturo at sa kaniyang pamilya,
Hindi matatawaran ang sakripisyo niya,
Matuto lang kami at siya ay liligaya.
May papantay paba sa mga taong ito?
Handang malayo sa pamilya para kami ay matuto,
Umulan man o umaraw sila ay narito,
Walang sawang pagtuturo aral ay aming natamo.
Kung tawagin sila'y pangalawang magulang,
Ipakita sa kanila ang pagiging magalang,
Napakalaki ng ambag nila sa ating lipunan,
Sakripisyo nila dapat na pahalagahan.
Mga g**ong tagapayo at sa ami'y nagtuturo,
Salamat sa inyo at sa inyong panunuyo,
Makatapos ng pag-aaral at baguhin ang anyo,
At sa balang araw pangarap ay matatamo.
Pagpupugay sa inyong handog na kadakilaan,
Pagtuturong walang humpay sa mga kabataan,
Pagtuwid sa landas na aming lalakaran,
Paggabay sa bukas na aming kapalaran.
Bigyan pa nawa kayo ng diyos ng sipag at lakas,
Pagsasalita ng aral sa inyo'y walang kupas,
Aming ikinagagalak na kayo ay nakaharap,
Dadalhin namin sa aming makulay na bukas.
Kung nasaan kami ngayon, utang namin sa inyo,
Sa inyong pagtuturo mga aral ay natamo,
Pagiging responsable kami ay natuto,
Oh aking g**o, salamat sa iyo.
HAPPY TEACHERS DAY TO ALL TEACHERS IN THE WORLD. THANK YOU FOR YOUR SACRIFICES AND DEDICATION FOR STUDENTS. WE LOVE YOU!
-SSG FORMER PRES.