08/03/2026
"School Supplies at Tsinelas Hatid sa mga Mag-aaral ng Sitio Latag"
Noong March 6, 2026, nagsagawa ng pamamahagi ng school supplies, tsinelas, kasuotan at mga laruan ang Willingdon Church katuwang ang SeedCare at WCFF sa pangunguna ni Ma'am Tana para sa mga mag-aaral ng Udalo ES–Latag Extension Class at CAMNHS–Latag Extension Class sa Sitio Latag, Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Nagsimula ang programa sa Praise and Worship na pinangunahan ni Ms. Kristelle Anne Patrice M. Silan, na sinundan ng panalangin ni Mr. Joseph Patricio. Nagbigay ng welcome remarks si Mr. Reymark C. Cantos, Teacher Leader ng UES–Latag Extension at sinundan ng pagpapakilala ng mga panauhin. Nagbigay din ng mensahe si 2LT FRANCIS O’NEIL CUENTO , Platoon Leader ng Charlie Company, 76IB, 2ID PA. Matapos nito, naghandog ng sayaw ang mga mag-aaral bilang pasasalamat bago isinagawa ang pamamahagi ng mga kagamitan.
Sa ngalan ng aming Punong-g**o na si JENNIFER DIVINE S. MAGNAYE, taos-pusong nagpapasalamat ang paaralan sa patuloy na suporta at tulong ng Willingdon Church, SeedCare, at WCFF para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Pasasalamat din ang ipinaaabot sa PA sa pangunguna ni 2LT FRANCIS O’NEIL CUENTO , Platoon Leader ng Charlie Company, 76IB, 2ID sa kanilang pakikiisa sa nasabing gawain.