08/10/2025
📌 CSO Consultative Meeting with Governor Amy R. Alvarez
Dumalo ang Municipal Planning and Development Office (MPDO) na kinatawan nina Ms. Venus Liao, Development Management Officer II, at Ms. Jofher Corpuz, Administrative Aide IV, sa Civil Society Organization (CSO) Consultative Meeting kasama si Governor Amy R. Alvarez at Mr. Eduardo Modesto V. Rodriguez, Provincial CSO Desk Officer, sa pakikipagtulungan ng Provincial CSO Desk Office Development Program.
✅ Layunin ng pagpupulong na ito na palakasin ang participatory governance sa pamamagitan ng accreditation ng mga municipal CSOs sa antas ng probinsya, upang masiguro na ang kanilang mga boses ay naririnig at nabibigyang-pansin sa pagbuo ng mga polisiya at paggawa ng mahahalagang desisyon. Pinalalakas din nito ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Municipal at Provincial CSO Desk Offices upang isulong ang mas inklusibo, tapat, at makataong pamamahala.
👥 Sa Bayan ng Aborlan, mayroon nang 90 accredited Civil Society Organizations (CSOs), at 14 sa mga ito ang aktibong kinatawan sa Municipal Development Council (MDC) — nagbibigay daan upang sila ay makabahagi sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran sa bayan.
Mga Kinatawan ng MDC mula sa CSOs:
1. Delia A. Bantolo – Chairperson, SAKTAS
2. Beulah G. Ortega – President, KALIPI Federation
3. Josefina L. Talde – Chairperson, Cabigaan Women’s Association
4. Jhoane B. Abrina– Chairperson,Tigman Women’s Association (KALIPI)
5. Ruth D. Dagot – Chairperson, Apo-aporawan Women’s Association (KALIPI)
6. Jocelyn L. Obordo – Chairperson, Apirawan Women’s Association
7. Emilita P. Calape – Chairperson, Iraan Women’s Association (KALIPI)
8. Emma Nuhay – Chairperson, Aborlan Womens Fisherfolk Association
9. Kieth R. Gacayan – Chairperson, Purok Matahimik Farmers Association
10. Rodel E. Oxia - Chairperson, Samahan ng mga maliliit na Mangingisda Association
11. Corilina Midas – Chairperson, Sitio Aplaya Fisherfolk Association
12. Joel Pardas – Chairperson, Nagkakaisang Tribu sa Tina (NATRITI)
13. Angel Y. Manalon – Chairperson, Aborlan Water Multi-Purpose Cooperative
14. Rey Alarcos – Chairperson, Aborlan Rainbow Marketing Cooperative
🌟 Ang mga CSO na ito ay may mahalagang papel sa pagsusulong ng participatory at inclusive development. Sa pamamagitan ng patuloy na CSO accreditation process, magkakaroon din sila ng pagkakataong maging kinatawan ng Aborlan sa Provincial Development Council (PDC) at Provincial Local Special Bodies (LSB) — upang matiyak na naririnig at kinakatawan ang tinig ng Aborlan sa antas ng probinsya.
🤝 Sama-sama nating isinusulong ang inklusibo at participatory governance — kung saan bawat sektor ay may kapangyarihan, at bawat boses ay may halaga.