04/09/2024
Pabatid mula sa Business Permit & Licensing Division of LGU Aborlan.
Magandang Araw!
Malugod po namin kayong inaanyayahang pumunta sa aming opisina (BOSS Bldg. Municipal Compound, Ramon Magsaysay Aborlan, Palawan- Lisencing Office) mula Lunes hanggang Byernes (8 am-5 pm) upang matulungan namin kayo sa pagawa ng inyong Email Address na magagamit ninyo sa anomang transaction na may kaugnayan sa makabagong kommunikasyon dulot ng syensya. Ito rin ay kinakailangan sa pag proseso ng inyong Mayors Permit at pag kuha ng FSIC ng Bureau of Fire Protection.
Ang pabatid na ito ay para lamang sa mga Business Owners na "WALA" pang Email Address. Para sa mga karagdagang katanungan maaari nyo po kaming tawagan sa +0981 799 9197 or sa aming Email: [email protected] or sa aming facebook account: Bplo Aborlan.
Maraming Salamat po!!
-Nida M. Lozano
Lisencing Officer II