09/05/2026
๐ข PAUNAWA SA MGA KABARANGAY ๐ข
Nais po naming ipabatid na may ilang lugar sa ating barangay na kasalukuyang nakakaranas ng pagkawala at paglalabo ng suplay ng tubig mula sa AMCO.
Ayon po sa impormasyon mula sa maintenance ng AMCO, nagkaroon umano ng problema sa source ng tubig kaya agad nila itong inaayos sa kasalukuyan. Patuloy rin po ang kanilang pagpa-flushing upang maibalik sa normal ang daloy at linaw ng tubig.
Base sa kanilang paunang abiso, inaasahang maaaring matapos ang pagsasaayos hanggang bandang 10:00 ng gabi ngayong araw.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at hinihiling ang inyong pang-unawa habang inaayos ang naturang problema.
Maraming salamat po.