14/06/2026
Courtesy: Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
: May tumawag at nagpakilalang taga-bangko? Mag-ingat.
Maaaring magpanggap ang scammers na empleyado ng bangko para makuha ang inyong OTP, password, o personal na impormasyon.
β Huwag magbigay ng impormasyon sa unknown callers
β Huwag ibahagi ang OTP, password, o account details
β I-report agad ang kahina-hinalang tawag
Gawin ang o para sa mas ligtas at secure na transaksyon. ππΌ
Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin itong directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx
Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:
DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center: https://cicc.gov.ph/report o hotline 1326
PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center https://acg.pnp.gov.ph/?page_id=67
Kung sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1.I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
3. I-click ang BOB icon sa BSP mobile app. I-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices (https://play.google.com/store/apps/details?id=bsp.gov.ph.mobile.bsp_mobile&hl=en&pli=1) o sa App Store para sa Apple devices (https://apps.apple.com/ph/app/bsp-mobile/id6738836335)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM