Migrant Workers Office - Korea

Migrant Workers Office - Korea Migrant Workers Office
Embassy of the Republic of the Philippines
17 Hoenamu-ro 42-gil, Yongsan-gu, Seoul
(1)

The Migrant Workers Office shall be the operating arm in South Korea of the Philippine Department of Migrant Workers (DMW). It is one of the services / attached agency of the Philippine Embassy in Seoul operating under the one-country-team-approach.

04/09/2026
Taos-pusong nakikiramay ang Philippine Embassy in Seoul, Migrant Workers Office (MWO), at OWWA sa mga pamilya at mahal s...
03/09/2026

Taos-pusong nakikiramay ang Philippine Embassy in Seoul, Migrant Workers Office (MWO), at OWWA sa mga pamilya at mahal sa buhay ng ating mga kababayang nasawi sa naganap na sunog sa South Korea.

Sa gitna ng matinding pagdadalamhati, kaisa ninyo po kami sa panalangin. Nawaโ€™y pagkalooban kayo ng lakas, kaginhawahan, at pag-asa sa pagharap sa mahirap na panahong ito.

Bilang bahagi ng agarang pagtugon, nagpaabot ng kaukulang tulong sa ilalim ng AKSYON Fund para sa mga pamilya ng mga nasawi, gayundin sa iba pang mga OFW na naapektuhan ng sunog, upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan kasunod ng insidente. Nagbigay rin ang OWWA ng financial assistance bilang karagdagang suporta sa mga naapektuhang OFW.

Patuloy na nakikiisa at umaagapay ang Philippine Embassy, MWO, at OWWA sa ating mga kababayan at kanilang mga pamilya sa panahon ng pagsubok na ito.

Owwa Seoul SoKor



03/09/2026

๐ŸŒฑ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ USAPANG AGRIBIZ SA SEOUL, SOUTH KOREA! ๐Ÿ‡ฐ๐Ÿ‡ท

Mula sa sipag at sakripisyo sa ibang bansa, tungo sa mas produktibong kinabukasan sa sariling bayan!

Bilang back-to-back event ng OWWAโ€™s โ€œAlagang OWWA: Serbisyong may Puso โ€“ Health, Wellness & Serbisyo Caravan,โ€ inaanyayahan ang ating mga kababayang OFW sa South Korea na dumalo sa Usapang Agribiz sa:

๐Ÿ“… Setyembre 13, 2026 | 1:00โ€“3:00 PM
๐Ÿ“ Marronnier Park, 104 Daehak-ro, Jongno-gu, Seoul, Republic of South Korea

Layunin ng Usapang Agribiz na makipag-ugnayan sa ating mga OFW at ipakilala ang mga oportunidad sa agribusiness, pamumuhunan sa agrikultura, financing, training, at iba pang programa ng pamahalaan na maaaring makatulong sa kanilang paghahanda para sa pagbabalik at pagnenegosyo sa Pilipinas.

โœจ Ano ang mapapala sa pagdalo?
โœ”๏ธ Matutuklasan ang mga oportunidad sa agribusiness at agricultural investments
โœ”๏ธ Malalaman ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan para sa OFWs
โœ”๏ธ Makakakuha ng impormasyon tungkol sa financing, training, at technical assistance
โœ”๏ธ Makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon
โœ”๏ธ Maging bahagi ng komunidad ng mga OFW na nagbabalak maging agripreneur!

Huwag palampasin ang pagkakataong gawing puhunan ang iyong pinaghirapan! ๐ŸŒพ๐Ÿ’š

๐Ÿ“ฒ MAGPATALA NA!
I-scan ang QR Code upang makapag-register.

Para sa iba pang detalye, maaari kayong makipag ugnayan sa Philippine Agriculture Office (PAO) Seoul, South Korea gamit ang mga numero na ito 010 6556 2129 at 02 795 8831.

Usapang Agribiz: Kaagapay ng OFW tungo sa mas matatag at masaganang kinabukasan! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒฑ


Owwa Seoul SoKor
DA Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs
Migrant Workers Office - Korea

02/09/2026

๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”! ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฎ๐˜„๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ

Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na kalahok sa Seasonal Workers Program (SWP) ng Republic of Korea na mag-ingat sa mga hindi awtorisadong kumpanya at indibidwal na nag-aalok ng serbisyo o partnership para sa recruitment, training, at deployment ng mga aplikanteng nais magtrabaho bilang seasonal workers sa South Korea.

Sa Advisory No. 54, Series of 2026, binigyang-diin ng DMW na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga broker sa recruitment at deployment ng seasonal workers. Nilinaw rin ng ahensya na walang pribadong kumpanya sa Korea ang awtorisadong magsagawa o mag-facilitate ng sisterhood o twinning agreements sa pagitan ng mga local government units sa Pilipinas at South Korea para sa pagpapatupad ng Seasonal Workers Program. Tanging ang Korea Agency of Education, Promotion and Information Service in Food, Agriculture, Forestry and Fisheries (EPIS) ang kinikilalang "Central Government Agency Specialized in the Seasonal Worker Program" ng pamahalaan ng South Korea.

"Ito ay mahalagang paalala sa ating mga LGUs na bahagi ng Seasonal Workers Program sa Korea na huwag makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong kumpanya o indibidwal para masiguro natin ang kapakanan at proteksyon ng ating mga Pilipinong seasonal workers ayon sa ating mga regulasyon na itinakda patungkol sa overseas employment," pahayag ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac alinsunod sa tagulibilin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng proteksyon ang mga OFW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Seasonal Workers Program, maaaring makipag-ugnayan ang mga LGU sa Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB) ng DMW sa Ground Floor, DMW Building, Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City, tumawag sa (02) 8722-1177, o mag-email sa [email protected]. # # #

Nababasa din dito: https://dmw.gov.ph/news-releases/news-release-898552



Mga kabayan sa Gumi at mga kalapit na lugar! Mags-September na! Kung plano ninyong umuwi ng Pilipinas ngayong Chuseok ho...
27/08/2026

Mga kabayan sa Gumi at mga kalapit na lugar! Mags-September na!

Kung plano ninyong umuwi ng Pilipinas ngayong Chuseok holiday at kailangan ninyo ng OEC, hindi na kailangang bumiyahe pa papuntang Seoul!

Makikiisa ang MWO-OWWA Korea sa Consular Outreach ng Philippine Consulate General in Busan sa Gumi ngayong September 5-6, 2026 (Saturday & Sunday), 9:00 AM-4:00 PM.

๐Ÿ“ Gyeongbuk Foreign Worker Counseling Center
12 Seonsangseo-ro 14-gil, Seonsan-eup, Gumi City, Gyeongbuk
๊ฒฝ๋ถ ๊ตฌ๋ฏธ์‹œ ์„ ์‚ฐ์ ์„ ์ƒ์„œ๋กœ 14๊ธธ 12

Bukod sa OEC issuance, available din ang contract verification, updating of employer sa E-Registration, OWWA membership enrollment/renewal, at inquiries tungkol sa MWO at OWWA programs and services.

Sulitin ang pagkakataon, mga kabayan! Ihanda na ang inyong requirements at magkita-kita tayo sa Gumi!

Owwa Seoul SoKor



27/08/2026
25/08/2026

๐—ฆ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€: ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฒ๐—ผ๐˜„-๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป!

Blue check โ‰  DMW-licensed.

Bago mag-apply, siguraduhing verified at licensed ng Department of Migrant Workers (DMW) ang recruiter o recruitment agency.

I-check ang opisyal na listahan ng DMW:
https://dmw.gov.ph/inquiry/licensed-recruitment-agencies

Huwag basta maniwala sa blue check, followers, o mukhang legit na page. Ang mahalaga: licensed ba talaga ng DMW at may valid na job order?

Protektahan ang sarili laban sa illegal recruitment.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ, ๐—ต๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ!

Address

17 Hoenamu-ro 42-gil
Yongsan District
04346

Opening Hours

Monday 09:00 - 04:00
Tuesday 09:00 - 16:00
Wednesday 09:00 - 16:00
Thursday 09:00 - 16:00
Sunday 09:00 - 16:00

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Migrant Workers Office - Korea posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Migrant Workers Office - Korea:

Shortcuts

Share