28/01/2022
"Paubaya"
"Pa'no niyo nagawa sa akin 'to? Pinagkatiwalaan ko kayo,lalo kana Elaine! Itinuring kitang nakatatandang kapatid ko tapos ito igaganti mo?ha?!":sigaw ko sa habang umiiyak dalawang kasama ko,they cheated on me,Elaine is my friend for the past 4 yrs. And Tristan is my boyfriend for the past 2 yrs. Nahuli ko silang naghahalikan sa likod ng school's Principal Office.
I'm sorry,Cheska! Gustuhin ko mang pigilan tong nararamdaman ko para kay Tristan,pero hindi ko magawa!...tuwing kasama ko siya,pakiramdam ko,ligtas ako! Komportable ako!;at pag hindi naman,pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko,I'm sorry:umiiyak na saad ni Elaine habang nakayuko at humihingi ng tawad.
Masaya ka ba? Kase...sa totoo lang para mo na ring kinalimutan na kaibigan mo'ko,sabagay...ganyan kanaman talaga!SELFISH KA!!:sigaw ko kasabay ng napakalakas na sampal na siyang nagpahiyaw sa kaniya.
CHESKA TAMA NA!! Nasasaktan mo na siya,alam kong malaki ang kasalanan namin sayo pero 'wag mo naman sanang kalimutan yung mga pinagsamahan niyo!:saad ni Tristan,tinignan ko naman ito ng masama at sinampal.
Nasasaktan? Bakit,sino ba ang biktima dito? Hindi ba ako? Ako yung naloko Tristan!! Hindi kayo! At isa pa,siya yung na una,siya yung na unang nakalimut sa pagsasamahan namin!! Kaya 'wag mo akong sisihin dahil kasalanan niyo ito!:sigaw ko dito. Tinignan ko naman si Elaine ng may sama ng loob.
Elaine...anong kasalanan ko sa'yo?:tanong ko sa kaniya. Hindi ito nagsalita pero umiling siya.
Segi...Tristan,mahal mo pa ba ako?:tanong ko kay Tristan,nakita ko namang nalukot ang mukha nito sabay sabing:
I'm sorry Cheska:sagot nito. Tumingin naman siya kay Elaine,at nakikipagtitigan sa kanya at kita mismo ng dalawa kong mata ang pangungulila nila sa isa't-isa. Hindi ko na talaga maloloko ang sarili ko! Mahal nila ang isa't-isa. Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko. Hindi ko na mapigilan pang humagulgol sa harap nila......