03/06/2026
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
31 May 2026
๐ฆ๐๐๐ฝ๐ฒ๐ธ ๐๐ฎ ๐ค๐๐ฎ๐น๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ฑ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ถ๐ป๐ด, ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ผ๐ฑ๐ถ๐ฎ
๐๐ข๐ด๐ข๐บ ๐๐ช๐ต๐บ, ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฆ๐ด โ Matagumpay na sinalubong ng Department of Migrant Workers โ Migrant Workers Protection Bureau (DMW-MWPB) kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Criminal Investigation and Detection Group โ Cordillera Administrative Region (CIDG-CAR) at Philippine National Police Aviation Security Group Terminal 1 (PNP-AVSE Group T-1) ang pitong (7) Pilipinong biktima ng human trafficking na na-repatriate mula sa Cambodia.
Bandang alas-5:15 ng umaga ngayong Mayo 31, 2026, dumating sa bansa ang mga biktima na agad sumailalim sa kinakailangang proseso at ibat ibang serbisyo ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kanilang kaligtasan, kapakanan, at agarang suporta mula sa pamahalaan.
Sa isinagawang processing, isa sa mga na-repatriate na indibidwal na nakilalang si John Lerry Amit ay inaresto ng mga awtoridad matapos mapag-alamang siya ay isang suspek sa kasong Qualified Human Trafficking, alinsunod sa umiiral na warrant of arrest na inilabas laban sa kanya.
Ipinaalam kay Amit ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. Matapos nito, dinala siya sa tanggapan ng PNP-AVSE Group T-1 para sa kaukulang booking procedures at mugshot documentation, bago ihatid para sumailalim sa nararapat na detention at pagdinig ng kanyang kaso.
Patuloy na pinaiigting ng DMW at ng mga katuwang nitong ahensya ang kampanya laban sa illegal recruitment, human trafficking at iba pang anyo ng pagsasamantala sa mga Pilipino sa ibamg bansa. Kasabay nito, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagligtas, pagprotekta, at pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking, gayundin ang pagpapanagot sa mga sangkot sa ganitong uri ng krimen.