Pamahalaan Panlalawigan ng Shizuoka

Pamahalaan Panlalawigan ng Shizuoka Ang opisyal na portal ng Pamahalaan Panlalawigan ng Shizuoka Ang Lalawigan ng Shizuoka ay naghahatid ng impormasyon sa iba't ibang wika.

I-follow ang aming page!


↓↓ page ng Shizuoka sa iba't ibang wika ↓↓

Simpleng Hapon https://m.facebook.com/infoshizuoka.ejp/
Ingles https://m.facebook.com/infoshizuoka.eng/
Português https://m.facebook.com/infoshizuoka.por/
Filipino https://m.facebook.com/infoshizuoka.tag/
Tiếng Việt https://m.facebook.com/infoshizuoka.vt/
Bahasa Indonesia https://m.facebook.com/infoshizuoka.in

a/

↓↓ Portal site sa iba't ibang wika ng Shizuoka「Camellia i」↓↓

https://www.pref.shizuoka.jp/multilingual/index.html

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻 - 𝗛𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝘀𝘂Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado. Mayroong ...
03/06/2026

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻 - 𝗛𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝘀𝘂

Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado. Mayroong translator para samga nahihirapan sa wikang Hapon.
Magparehistro lamang kung nais kumunsulta. Mangyaring tumawag sa opisina hanggang 3 araw bago ang konsultasyon.

【Kailan】
Ika-13 ng Honyo 2026 (Sabado) 13:00〜16:00

【Saan】
Hamamatsu Intercultural Center
4F, 2-1 Hayauma-cho, Chuo-ku, Hamamatsu

【Magkano】
Walang bayad

【Bilang ng Matutugunan】
4 na tao lamang

【Mga Wika】
Ingles, Portuges, Filipino, Vietnamese, Indonesian, Tsino, at Espanyol
Mangyaring magtanong para sa mga wika maliban dito.

【Para sa mga Katanungan】
Hamamatsu Foundation for International Communication and Exchange (HICE)
☎053-458-2170

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado at maaaring ikonsulta ...
03/06/2026

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻

Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado at maaaring ikonsulta ang mga bagay gaya ng permiso sa pamamalagi sa Japan (zairyu shikaku), problema sa trabaho, pakikipagdibursyo, problema sa pamilya, at iba pang may kinalaman sa batas.

Mayroong tutulong magsalin ng inyong hinaing kung nahihirapan sa wikang Hapon. Mangyari lamang na magparehistro ang mga nais kumunsulta.

Kontakin ang Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA) upang makapagregister, at muling magpadala ng mensahe isang araw bago ang konsultasyon. Mahalagang ipagbigay-alam kung sakaling hindi na makapupunta sa iskedyul. Tatanggap lamang ng rehistrasyon sa mismong araw kung may bakante.

Maaring hindi matugunan ang lahat ng nais magpakonsulta kung marami nang nakapagpatala kaya naman magparehistro na nang maaga.

【Kailan】
Ika-10 ng Hunyo 2026(Miyerkules)13:00〜16:00

【Saan】
Opisina ng Samahang Pang-internasyonal ng Shizuoka
2F Mizunomori Bldg, 14-1 Minami-cho-Suruga-ku, Shizuoka-shi

【Sinu-sino】
Mga dayuhan o kanilang representative, mga Hapon na may kinalaman sa mga dayuhan

【Paraan ng Konsultasyon】
Video Call, Tawag sa Telepono, o Pagpunta sa Opisina

【Mga Wikang Matutugunan】
Ingles, Portuges, Filipino, Vietnamese, Indonesian, Espanyol, at Tsino

【Magkano】
Walang bayad

【Bilang ng Matutugunan】
3 tao lamang

【Para sa Mga Katanungan】
Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA)
☎ 054-204-2000
📧 [email protected]
FB/Messenger Adviser Shizuoka

𝐁𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠!Dumarami ang mga kaso ng aksidente sa tubig tuwing papalapit ang tag-init. Iwasan natin...
03/06/2026

𝐁𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐤𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠!

Dumarami ang mga kaso ng aksidente sa tubig tuwing papalapit ang tag-init. Iwasan natin ang mga aksidenteng ito sa pamamagitan ng pagsasaisip ng mga sumusunod:
① Huwag pumunta sa delikadong lugar.
② Huwag pumasok sa tubig nang naka-inom, kulang sa tulog, o pagod.
③ Palaging bantayan ang mga bata
④ Tiyakin ang lagay ng panahon. Huwag pumunta sa katubigan kung masama ang panahon.
⑤ Magsuot ng life jacket tuwing mangingisda o sasakay sa sasakyang pandagat.

03/06/2026
Ano ang SIPOS-RADAR?Ang SIPOS-RADAR ay isang website na magagamit sa paghahanda at tuwing malakas ang pag-ulan o may bag...
02/06/2026

Ano ang SIPOS-RADAR?

Ang SIPOS-RADAR ay isang website na magagamit sa paghahanda at tuwing malakas ang pag-ulan o may bagyo. Makikita dito ang lebel ng tubig sa ilog, dami ang bubuhos na ulan, at inaasahang lagay ng panahon.

Magagamit ito sa mga wikang Ingles, Portuges, at madaling Japanese sa inyong smartphone!
Tingnan sa mga larawan kung paano ito gamitin.

URL:sipos.pref.shizuoka.jp

May paparating na bagyo at magdadala ito ng matinding pagbuhos ng ulan.Maaaring gumuho ang lupa o umapaw ang ilog.Mag-in...
01/06/2026

May paparating na bagyo at magdadala ito ng matinding pagbuhos ng ulan.
Maaaring gumuho ang lupa o umapaw ang ilog.
Mag-ingat sa inyong pagpasok sa trabaho o paaralan.

Alalahanin natin ang mga bagay na ito para sa ating kaligtasan.

𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 (自助・共助・公助)Mahalaga ang pagtulong sa sarili, pakikipagtulungan sa kapwa, at pampub...
20/05/2026

𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 (自助・共助・公助)

Mahalaga ang pagtulong sa sarili, pakikipagtulungan sa kapwa, at pampublikong tulong sa panahon ng sakuna.

Ang kombinasyon ng kaya mong gawin, kayang gawin kasama ang kapwa, at kayang gawin ng gobyerno ang nakakatulong upang mapanatiling ligtas ang maraming tao at mabawasan ang perwisyo ng sakuna.

Makilahok tayo sa lokal na disaster preparedness drills at matuto pa tungkol dito.

📢𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗱Bago na ang mga residence card na ilalabas mula Hunyo 14, 2026!☆Mag-iib...
20/05/2026

📢𝗧𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗮𝗿𝗱

Bago na ang mga residence card na ilalabas mula Hunyo 14, 2026!
☆Mag-iiba ang format ng residence card
☆Ang mga 1 taong gulang pataas ay mayroon nang larawan.
☆Maaari mong magamit ang kasalukuyang residence card hanggang sa expiration date nito. HINDI kailangang mag-apply para makakuha ng bagong format ng card o para maglagay ng picture.

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa legal specialist at m...
20/05/2026

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻

Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa legal specialist at maaaring ikonsulta ang mga bagay gaya ng permiso sa pamamalagi sa Japan (zairyu shikaku), pakikipagdibursyo, at iba pa.

Mayroong tutulong magsalin ng inyong hinaing kung nahihirapan sa wikang Hapon. Mangyari lamang na magparehistro ang mga nais kumunsulta.

Kontakin ang Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA) para makapag-register, at muling magpadala ng mensahe isang araw bago ang konsultasyon. Mahalagang ipagbigay-alam kung sakaling hindi na makapupunta sa iskedyul. Tatanggap lamang ng rehistrasyon sa mismong araw kung may bakante.

Maaring hindi matugunan ang lahat ng nais magpakonsulta kung marami nang nakapagpatala kaya naman magparehistro na nang maaga.

【Kailan】
Ika-27 ng Mayo 2026(Miyerkules)10:00〜12:00

【Saan】
Opisina ng Samahang Pang-internasyonal ng Shizuoka
2F Mizunomori Bldg, 14-1 Minami-cho-Suruga-ku, Shizuoka-shi

【Sinu-sino】
Mga dayuhan o kanilang representative, mga Hapon na may kinalaman sa mga dayuhan

【Paraan ng Konsultasyon】
Video Call, Tawag sa Telepono, o Pagpunta sa Opisina

【Mga Wikang Matutugunan】
Ingles, Portuges, Filipino, Vietnamese, Indonesian, Espanyol, at Tsino

【Magkano】
Walang bayad

【Bilang ng Matutugunan】
2 tao lamang

【Para sa Mga Katanungan】
Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA)
☎ 054-204-2000
📧 [email protected]
FB/Messenger Adviser Shizuoka

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado at maaaring ikonsulta ...
20/05/2026

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗯𝗼𝗴𝗮𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗮𝘆𝘂𝗵𝗮𝗻

Maglulunsad ng libreng konsultasyon sa abogado at maaaring ikonsulta ang mga bagay gaya ng permiso sa pamamalagi sa Japan (zairyu shikaku), problema sa trabaho, pakikipagdibursyo, problema sa pamilya, at iba pang may kinalaman sa batas.

Mayroong tutulong magsalin ng inyong hinaing kung nahihirapan sa wikang Hapon. Mangyari lamang na magparehistro ang mga nais kumunsulta.

Kontakin ang Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA) upang makapagregister, at muling magpadala ng mensahe isang araw bago ang konsultasyon. Mahalagang ipagbigay-alam kung sakaling hindi na makapupunta sa iskedyul. Tatanggap lamang ng rehistrasyon sa mismong araw kung may bakante.

Maaring hindi matugunan ang lahat ng nais magpakonsulta kung marami nang nakapagpatala kaya naman magparehistro na nang maaga.

【Kailan】
Ika-27 ng Mayo 2026(Miyerkules)13:00〜16:00

【Saan】
Opisina ng Samahang Pang-internasyonal ng Shizuoka
2F Mizunomori Bldg, 14-1 Minami-cho-Suruga-ku, Shizuoka-shi

【Sinu-sino】
Mga dayuhan o kanilang representative, mga Hapon na may kinalaman sa mga dayuhan

【Paraan ng Konsultasyon】
Video Call, Tawag sa Telepono, o Pagpunta sa Opisina

【Mga Wikang Matutugunan】
Ingles, Portuges, Filipino, Vietnamese, Indonesian, Espanyol, at Tsino

【Magkano】
Walang bayad

【Bilang ng Matutugunan】
3 tao lamang

【Para sa Mga Katanungan】
Sentro para sa Multikultural na Pangkalahatang Konsultasyon sa Lalawigan ng Shizuoka (CAMELLIA)
☎ 054-204-2000
📧 [email protected]
FB/Messenger Adviser Shizuoka

住所

9-6 Ote-machi, Aoi-ku
Shizuoka-shi, Shizuoka
420-8601

営業時間

月曜日 09:00 - 17:00
火曜日 09:00 - 17:00
水曜日 09:00 - 17:00
木曜日 09:00 - 17:00
金曜日 09:00 - 17:00

アラート

Pamahalaan Panlalawigan ng Shizuokaがニュースとプロモを投稿した時に最初に知って当社にメールを送信する最初の人になりましょう。あなたのメールアドレスはその他の目的には使用されず、いつでもサブスクリプションを解除することができます。

その団体に問い合わせをする

Pamahalaan Panlalawigan ng Shizuokaにメッセージを送信:

共有する

カテゴリー