05/09/2026
OWWA Overseas Workers Welfare Administration CUP 2026: ANG LIGA NG OFW, IDINAOS SA HOKKAIDO
Matagumpay na idinaos noong 16 Agosto 2026 ang OWWA Cup 2026 – Hokkaido Leg, ang ikalawang OWWA Cup na ginanap sa Japan, kasunod ng unang leg sa Sendai.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy in Japan, Migrant Workers Office–OWWA Tokyo, Philippine Consulate Sapporo, at Samahang Pilipino ng Hokkaido (SPH).
Dinaluhan ang pagtitipon ni H.E. Mylene J. Garcia-Albano, Ambassador of the Republic of the Philippines to Japan, kasama sina Honorary Consul General Ken Luis Tobe ng Philippine Honorary Consulate in Sapporo; Third Secretary and Vice Consul Marx Ian A. Rulloda ng Consular Section; Labor Attaché Ramon Lamberto C. Pastrana; Welfare Officer Geronico M. Herrera; Ms. Kathryn Quinn E. Eusuya ng Social Security System (SSS) at SPH President Virginia Douda.
Hindi lamang basketball ang tampok sa OWWA Cup. Inilapit din sa ating mga kababayan sa Hokkaido ang iba pang serbisyo ng pamahalaan, kabilang ang Overseas Voting Registration at SSS services, upang mas maraming OFWs ang magkaroon ng access sa mahahalagang programa at serbisyo kahit malayo sa Tokyo.
Higit pa sa paligsahan, nagsilbing pagkakataon ang OWWA Cup upang pagtibayin ang pagkakaisa, samahan, at malasakit sa isa’t isa ng mga Pilipino sa Hokkaido. Sa pamamagitan ng palakasan, muling naipakita ang tibay, husay, at bayanihang likas sa ating mga OFW at sa buong Filipino community.
Lubos ang pasasalamat sa Philippine Honorary Consulate in Sapporo, sa Samahang Pilipino ng Hokkaido, sa lahat ng manlalaro, volunteers, partner organizations, at mga kababayang nakiisa upang maging matagumpay at makabuluhan ang gawaing ito.
Patuloy nating palalakasin ang ating ugnayan at sama-samang isusulong ang kapakanan ng bawat manggagawang Pilipino.
OWWA Cup ang Liga ng OFW!