27/03/2026
IN PHOTOS
Nagdaos ng pagpupulong ngayong araw, Biyernes, March 27, 2026, ang CSJDM – Public Order and Safety Office (POSO), na pinangasiwaan nina OIC–POSO PCOL. Pedro G. Ramos (Ret.), DSC/MPA, katuwang ang mga Area Commander mula sa District 1 at District 2. Layunin ng naturang pagpupulong na talakayin ang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang upang paigtingin ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga San Joseño at mga debotong bibisita sa mga religious sites tulad ng Our Lady of Lourdes Grotto Shrine, Padre Pio Mountain of Healing, at Our Lady of La Salette Quasi-Parish. Kabilang sa mga napag-usapan ang maayos na deployment ng mga tauhan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang matiyak ang maayos na daloy ng mga aktibidad sa mga naturang lugar.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng Weekly Zumba Fitness Activity ang mga POSO personnel bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagtataguyod ng kalusugan at magkaroon ng positibong enerhiya sa kanilang pang-araw-araw na pagtupad sa tungkulin sa paglilingkod sa publiko.
📍New Government Center, Barangay Dulong Bayan