Buenavista Rural Health Unit

Buenavista Rural Health Unit This is the Official page of Buenavista, Quezon Rural Health Unit

23/04/2026

ANUNSYO 📣📣📣

Para sa lahat ng magpapakonsulta, mag-aasikaso ng PhilHealth o kukuha ng Medical Certificate sa Rural Health Unit- Buenavista, narito ang gabay, requirements, at schedule:

📝 KUNG WALA PANG PHILHEALTH:
Kung wala ka pang PhilHealth at kailangan magpa-check up o magparehistro ihanda ang mga sumusunod bago pumunta magtungo sa Philhealth Office ng RHU-Buenavista:
• Valid ID (maliban sa TIN ID)
• Birth certificate (if not married and children below 17 years old dependent)
• Marriage Contract (if married)
• Barangay Indigency
• MSWDO Certificate of Indigency
• Certificate of Residency mula sa Brgy Captain

🏥 KUNG MAGPAPAKONSULTA:
Naito ang mga Proseso:
1️⃣ PhilHealth Office (MCA processing)
2️⃣ Record Section (verification)
3️⃣ Pumila sa Doktor (check-up)
4️⃣ FPE – First Patient Encounter (initial assessment)

📝 KUNG MAG-AASIKASO NG PHILHEALTH AT KUKUHA NG MEDICAL CERTIFICATE:
👀TINGNAN ANG SCHEDULE:
⏰ TUWING HAPON LUNES-HUWEBES (1:00 PM – 6:00 PM)

💡 PAALALA:
✔ Siguraduhing kumpleto ang requirements bago pumunta
✔ Sumunod sa tamang proseso at schedule
✔ Dumating sa tamang oras para maiwasan ang delay

💙 Layunin nito ang maayos, mabilis, at organisadong serbisyo para sa lahat ng pasyente.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa 🙏🏻

TINGNAN: 🩸 VOLUNTARY BLOOD DONATION DRIVE 🩸Kasalukuyang ginaganap ngayong araw ang ating Voluntary Blood Donation katuwa...
26/03/2026

TINGNAN:

🩸 VOLUNTARY BLOOD DONATION DRIVE 🩸

Kasalukuyang ginaganap ngayong araw ang ating Voluntary Blood Donation katuwang ang Philippine Red Cross. 💙

Halina’t makiisa sa gawaing makatao at maging modernong Samaritan! Sa simpleng pagdo-donate ng dugo, maaari kang makapagligtas ng buhay.

Huwag palampasin ang pagkakataong tumulong. Sama-sama nating ipadama ang malasakit para sa kapwa.

⏰ Ang aktibidad na ito ay matatapos ngayong araw sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.

💬 “Donate blood, save lives.”

📣 Suportahan at i-follow at i-share ang page ng PMNP Buenavista,Quezon!Makiisa po tayo sa pagpapalaganap ng tam...
21/03/2026

📣 Suportahan at i-follow at i-share ang page ng PMNP Buenavista,Quezon!

Makiisa po tayo sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa kalusugan. I-follow ang page ng PMNP Buenavista para sa mga updates, health tips, at mga programang makakatulong sa ating komunidad.

💙 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa!

21/03/2026

ALAMIN: 🧐💡

Mga Benepisyo ng Pakikipag-Partner sa PHILIPPINE RED CROSS para sa Voluntary Blood Donation na gaganapin ngayon MARSO 26,2026 sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa ating MUNICIPAL FUNCTION HALL.

Magandang balita para sa ating komunidad! Narito ang mga benepisyong hatid ng pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross sa ating blood donation activity.

🩸PARA SA BLOOD DONORS:

• Ang donor ay maisasama sa official system/list ng PRC
• Magkakaroon siya ng priority access sa dugo kapag nangailangan (basta available ang unit)
• Hindi na kailangang maghanap ng kapalit na donor
• Magbabayad lamang ng ₱1,800 para sa processing at testing fee
• Libreng pagsusuri ng dugo laban sa 5 uri ng sakit

🏥 Para sa mga Partner Organization (may MOA):

• Sa bawat 100 successful donors, may katumbas na 10% blood allocation
• Katumbas nito ay 10 blood bags na maaaring magamit kung kinakailangan
• Available ito anumang oras, basta may request letter mula sa inyong tanggapan

💡 Sa simpleng pagdodonate ng dugo, hindi lang buhay ang naliligtas at nagkakaroon din ng seguridad ang donor at buong komunidad.

20/03/2026

TINGNAN: 👀

📊 2025 UTILIZATION RATE PER MUNICIPALITY/CITY

Ang datos na ito ay mula sa Quezon Provincial Health Office sa pakikipagtulungan ng QPHN–Quezon Medical Center Blood Department, na patuloy na nagsusulong ng sapat at ligtas na suplay ng dugo sa ating lalawigan.

Ayon sa rekomendasyon ng DOH, kinakailangang makakalap ng hindi bababa sa 1% ng kabuuang populasyon bawat taon upang matugunan at maging sapat ang suplay ng dugo para sa lahat ng nangangailangan.

Sa nakaraang taon, marami ang nabigyan ng libreng dugo mula sa Quezon Medical Center, ngunit nananatiling mataas ang demand lalo na sa mga emergency, operasyon, at kritikal na kaso.

Kaya naman, kailangan ka namin upang maging donor bilang makabagong bayani ng ating henerasyon. Magkita tayo ngayong MARCH 26,2026 sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa ating MUNICIPAL FUNCTION HALL.

📌 Sino ang maaaring mag-donate?
✔️ Edad 18–60 taong gulang
✔️ Malusog at walang iniindang sakit
✔️ May sapat na pahinga
✔️ Walang iniinom na bawal bago mag-donate

💡 Bakit mahalaga ang iyong donasyon?
❤️ Makakatulong ka sa pagligtas ng buhay
❤️ Makapagbibigay ng libreng dugo sa mga nangangailangan
❤️ Makakatulong upang maabot ang 1% target ng ating populasyon

📣 Panawagan sa ating komunidad:

Magkaisa tayo upang maabot ang target at masigurong walang pasyente ang maiiwan.

Maraming Salamat po 💙

18/03/2026

PABATID:

Ang Buenavista Municipal Health Office po ay kumakatok sa puso ng bawat Buenavistahin katuwang ang Philippine Red Cross ay taos puso po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa pagbabahagi ng inyong dugo o Voluntary Blood Donation na gaganapin sa ating MUNICIPAL FUNCTION HALL ngayong MARSO 26,2026 ( HUWEBES ) sa ganap na alas 8:00 nang umaga hanggang alas 12:00 nang tanghali.

Ang Layunin ng Blood Program ay agaran na matulungang makakalap ng libreng dugo lalo't higit ang ating mga kababayan na may kakulangan sa pinansyal na aspeto. Kaya’t hinihikayat po natin ang lahat na may malusog na katawan at kwalipikado na boluntaryong magbahagi ng dugo. Marami pong magandang mga benepisyong maitutulong ang pagdodonate ng dugo sa ating kalusugan. At higit sa lahat ay nakatulong ka pa upang madugsungan ang buhay ng ating kababayan may kailangan ng masalinan ng dugo.

Samantala, upang ipakita po ang pagsuporta sa kabayanihan ng ating mga kababayan na magbabahagi ng kanilang dugo ay naglaan ang ating Lokal na pamahalaan ng para sa COMPLEMENTARY GROCERIES para FIRST 50 DONORS.

Narito po mga paalaala para sa lahat ng nagnanais na makiisa sa ating Voluntary Blood Donation:

Mga maaring magdonate:
■ 18-65 years old; My timbang na di baba sa 50 kilo o 110lbs.
■ Hindi gumagamit ng Pinagbabawal na gamot;
■ Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras;
■ Kung babae ang magdodonasyon, dapat ay hindi buntis o walang regla at nakalipas na ang 1 linggo natapos ang buwanan regla.

Mga HINDI maaaring magdonate:
● May lagnat, sipon at ubo
● May Sakit na tulad ng mga sumusunod:
Diabetes, Cancer, Hyperthyroidism, Sakit sa Puso, Severe Psychiatric Disorder, Sakit sa baga, Sakit sa atay at bato, May iniindang pagdurugo ng mahabang panahon at may sakit sa dugo tulad ng Sepsis.

Ano ang Benepisyo ng Pagdodonate ng dugo?
■ Maganda para sa Puso
■ Napapalitan ng bago ang dugo
■ Pinapababa ang Cholesterol Level
■ Pinapababa ang timbang
■ Malalaman mo ang iyong Blood Type
■ Self- Fulfillment dahil naging instrumento ka na nakatulong upang madugsungan ang buhay ng may nangangailangan ng dugo

Ano ang gagawin bago magdonate ng dugo:
● Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig
● Irelax ang iyong kaisipan
●Matulog ng sapat na walong oras (8hours)
●Iwasang uminom ng alak

Marami pong Salamat.

PASASALAMAT 🙏Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng boluntaryong nagbahagi ng dugo at sa mga indibidwal, grupo, ...
19/12/2025

PASASALAMAT 🙏

Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng boluntaryong nagbahagi ng dugo at sa mga indibidwal, grupo, at organisasyong buong pusong nakiisa sa isinagawang Blood Donation Activity, na matagumpay na naisakatuparan ngayong araw Disyembre 19,2025, kapartner ang QPHN–Quezon Medical Center.

Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ng ating minamahal na Mayor ReyJr Esquerra Rosilla at sa pangunguna ng Rural Health Unit sa pamamahala ng Municipal Health Officer, Dr. Christian Lawrence L. Reyes.

Ang inyong kusang-loob na pakikibahagi ay malaking tulong sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng dugo ng ating mga pasyente. Higit sa lahat, ang inyong malasakit at diwa ng bayanihan ay nagbigay ng pag-asa at panibagong pagkakataon sa buhay ng mga nangangailangan.

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong oras, sakripisyo, at walang sawang suporta. Ang tagumpay ng gawaing ito ay patunay na sa sama-samang pagkilos at maayos na pamumuno, tunay nating naipapakita ang malasakit sa kapwa at ang kahalagahan ng pagbabahagi ng buhay sa pamamagitan ng dugo.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong maging instrumento ng kabutihan at pag-asa sa ating komunidad. 💙

TINGNAN: 👀Isinasagawa po ngayong araw ang Voluntary Blood Donation sa ating Municipal Function Hall. Inaanyayahan po ang...
19/12/2025

TINGNAN: 👀

Isinasagawa po ngayong araw ang Voluntary Blood Donation sa ating Municipal Function Hall. Inaanyayahan po ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na makibahagi sa makabuluhang aktibidad na ito.

⏰ Hanggang alas-12:00 ng tanghali lamang po ang programa.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta. ❤️🩸

16/12/2025

PABATID:

Ang Buenavista Municipal Health Office po ay kumakatok sa puso ng bawat Buenavistahin katuwang ang QMC Provincial Health Office Blood Department ay taos puso po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa pagbabahagi ng inyong dugo o Voluntary Blood Donation na gaganapin sa ating MUNICIPAL FUNCTION HALL ngayong DISYEMBRE 19,2025 ( BIYERNES) sa ganap na alas 8:00 nang umaga hanggang alas 12:00 nang tanghali.

Ang Layunin ng Blood Program ay agaran na matulungang makakalap ng libreng dugo lalo't higit ang ating mga kababayan na may kakulangan sa pinansyal na aspeto. Kaya’t hinihikayat po natin ang lahat na may malusog na katawan at kwalipikado na boluntaryong magbahagi ng dugo. Marami pong magandang mga benepisyong maitutulong ang pagdodonate ng dugo sa ating kalusugan. At higit sa lahat ay nakatulong ka pa upang madugsungan ang buhay ng ating kababayan may kailangan ng masalinan ng dugo.

Samantala, upang ipakita po ang pagsuporta sa kabayanihan ng ating mga kababayan na magbabahagi ng kanilang dugo ay naglaan ang ating Lokal na pamahalaan ng para sa COMPLEMENTARY GROCERIES para FIRST 50 DONORS.

Narito po mga paalaala para sa lahat ng nagnanais na makiisa sa ating Voluntary Blood Donation:

Mga maaring magdonate:
■ 18-65 years old; My timbang na di baba sa 50 kilo o 110lbs.
■ Hindi gumagamit ng Pinagbabawal na gamot;
■ Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras;
■ Kung babae ang magdodonasyon, dapat ay hindi buntis o walang regla at nakalipas na ang 1 linggo natapos ang buwanan regla.

Mga HINDI maaaring magdonate:
● May lagnat, sipon at ubo
● May Sakit na tulad ng mga sumusunod:
Diabetes, Cancer, Hyperthyroidism, Sakit sa Puso, Severe Psychiatric Disorder, Sakit sa baga, Sakit sa atay at bato, May iniindang pagdurugo ng mahabang panahon at may sakit sa dugo tulad ng Sepsis.

Ano ang Benepisyo ng Pagdodonate ng dugo?
■ Maganda para sa Puso
■ Napapalitan ng bago ang dugo
■ Pinapababa ang Cholesterol Level
■ Pinapababa ang timbang
■ Libreng makakakuha ng dugo mula sa QMC kung sakaling kailanganin ng sinuman na nais mo tulungan
■ Malalaman mo ang iyong Blood Type
■ Self- Fulfillment dahil naging instrumento ka na nakatulong upang madugsungan ang buhay ng may nangangailangan ng dugo

Ano ang gagawin bago magdonate ng dugo:
● Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng maraming tubig
● Irelax ang iyong kaisipan
●Matulog ng sapat na walong oras (8hours)
●Iwasang uminom ng alak

Marami pong Salamat.

29/10/2025

ABISO PARA SA PUBLIKO 📣📣📣

Sa lahat ng mamamayan ng Buenavista na nakatakdang dumalaw sa sementeryo ngayong Undas Nobyember 1-2,2025, isang paalala mula sa Rural Health Center ng Buenavista:

👉 Magsuot po ng face mask sa inyong pagdalaw bilang proteksyon laban sa posibleng pagkalat ng sakit, lalo na sa mga mataong lugar.
👉 Iwasan ang siksikan at panatilihin ang tamang distansya sa kapwa.
👉 Magdala ng tubig at payong upang makaiwas sa dehydration at sobrang init.
👉 Panatilihin ang kalinisan sa paligid—magtapon ng basura sa tamang basurahan.
👉 Alagaan ang mga bata at nakatatanda habang nasa sementeryo upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang paggunita sa ating mga mahal sa buhay ay mas magiging makabuluhan kung ito ay ginagawa nang ligtas, maayos, at responsable.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.

💙 Mula sa Rural Health Center ng Buenavista – Para sa Kalusugan ng Lahat!

Dirección

Buenavista
4320

Página web

Notificaciones

Sé el primero en enterarse y déjanos enviarle un correo electrónico cuando Buenavista Rural Health Unit publique noticias y promociones. Su dirección de correo electrónico no se utilizará para ningún otro fin, y puede darse de baja en cualquier momento.

Compartir