03/11/2023
Magandang Araw!
Malugod ko po kayong inaanyayahan na makilahok sa gaganaping VISTALENT 2023 ngayong ika- 05 ng Nobyembre, 2023.
Hangarin nitong makatulong na bumuo ng kumpiyansa sa ating mga kababayan sa lahat ng kategorya at magbigay ng inspirasyon sa iba pang may natatanging talento. Layunin din nito na mas payabungin ang kanilang kaalaman upang maging huwaran sa ibang mamamayan.
Ang patimpalak na ito ay bubuksan para sa lahat upang magbigay kasiyahan, pag-asa at inspirasyon. Ito ay bukas para sa isahan, grupo o maramihan.
Ang mga interesadong lumahok ay inaanyayahan namin na magpatala sa Tanggapan ng Punong Bayan/ Tanggapan ng Turismo. Maaari na kayong magpatala sa darating na ika – 9 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Maaaring sadyain si G. Louel Malvin Arevalo at Buenavista Pride League para sa pagpapatala.
1. Ito ay bukas para sa lahat ng gustong sumali.
2. Ang mga kalahok ay maaaring magpakita ng kanilang talento sa pagsayaw (Modern, Interpretative, Cultural atbp.)
3. Ang paligsahan sa pag awit ay dalawahan o grupo.
4. Ang presentasyon ng bawat kalahok ay tatagal lamang hanggang apat (4) na minuto.
5. Ang grupong sasali ay dapat binubuo ng dalawa (2) hanggang sampung (10) kalahok.
6. Ipinagbabawal ang di kaaya-ayang gawain at palamuti.
7. Para sa mga kalahok na may edad labing walong (18) taong gulang pababa, maari lamang na magsumite ng “parent’s consent” sa Tanggapan ng Punong Bayan.