30/03/2026
March 29, 2026, matagumpay na naisagawa ang pagdiriwang ng National Women's Month sa Barangay Amunitan Gymnasium sa pamamagitan ng inisyatiba ng Sangguniang Kabataan, katuwang ang VAWC Desk sa pangunguna ni Brgy. Kagawad Fe B. Calipdan at ang RIC sa pamumuno ni Mrs. HERLine Gonzaga bilang Pangulo, at buong pusong sinuportahan ng Barangay Council sa pangunguna ni Punong Barangay Norman Gonzaga.
Isinagawa ang makabuluhang Seminar on Gender Empowerment for Women sa pangunguna ni Mrs. Rizzalou Garma at ang Seminar on the Safe Spaces Act or Republic Act No. 11313 (Bawal Bastos Law) sa pangunguna ni PMSg. Kylie Angelique Dones.
Naging mas masigla rin ang selebrasyon sa pamamagitan ng Zumba Dance ng lahat ng kalahok, pamamahagi ng munting token para sa ating mga kababaihan, at raffle draw na nagbigay saya at pagkakataong manalo sa ating mga dumalo.
Sa sama-samang pagkilos, ipinakita natin na ang kababaihan ay mahalaga, may boses, at may kapangyarihan sa ating komunidad. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa gawaing ito.
“Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”