11/28/2018
❝Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?❞
Totoo nga ba? Ang kumakalat na balita ukol sa Filipino Curriculum na papalitan ng Korean Curriculum?
Pilipinas, Tangang-tanga na ba kayo?
Simula 'nung nabuhay ang mga lolo't lola ninyo, kasapi o kasama na natin ang wikang pilipino, "po" at "opo" pa nga ang tinuturo mila, di'ba? "Magandang Buhay!" "Magandang Umaga!" tapos papalitan n'yo lang ng "Konichiwa (lol i'm being sarcastic sa part na 'to)" "Joeun achimimnida" jusko, hindi niyo nga alam pinagkaiba ng "raw" sa "daw" "din" sa "rin" at "hagdan" sa "hagdanan" Dapak? Ganyan na ba kababa ang utak ninyo?
Pinaglaban si Rizal ang kalayaan,
Pinalaya niya tayo sa dayuhan,
Pero anong ginagawa ninyo?
Nagpapakatanga kayo!
Imbes na basahin ang mga aklat, nagbabasa kayo ng Wattpad tapos 'yung title: "How to learn Korean" at ano pang mga landian dyan mga bobo!
Hindi ba ninyo napapansin?
Maraming tao ang namatay, nagpaka-alipin para lang palayain kayo!
Tapos, magpapaka-alipin kayo sa mga dayuhan? Ulol!
Sarili nga nating Musika, tinatalikuran niyo na eh!
Mas gusto niyo pa 'yung mga kantang "FAKE LOVE" "BOOM BOOM" "BAAM" Aba! Ano nang nangyare sa mga kantahan natin? "Gabi at Araw" "Kundiman" "Dahil sa iyo" "Pandanggo sa ilaw" "Irog ako ay magalin" jusko! Hindi ko man pinapakinggan 'yang mga lumang mahihiwagang kanta na 'yan, mas okay na 'yan! Kesa makinig ako sa mga "ASGAHSKAK FAKE LOVE~ FAKE LOVE~" na kantang 'yan!
Nako, Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?
Porque maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi, koreano, tumutulo na laway ninyo?
Masira lang poster niyo ng BTS and Momoland na 'yan, Magwawala at magpapakatanga sa kakasigaw na kayo?
Aba, Pilipinas, tangang-tanga na ba kayo?
Pati eto pa, bakit kailangang palitan ang Filipino Curriculum?
Jusko. Porque sikat ang Hangeoul or kung ano mang lenggwuahe na 'yan, ituturo n'yo na? Saan gagamitin 'yan? Sa palengke? Saan? Wala namang silbe 'yan eh! Ang pagkakaiba nga ng "ng" at "nang" hindi niyo alam eh! Aba, Hangeoul pa kaya?
Nako. Pilipinas, si G*t. José Protasio Rizal Mercado y Realonda (Jose Rizal) ang nagpalaya sa'ting bansa, pero, BAKIT SINASAKOP/NILALAMON NANAMAN KAYO NG DAYUHAN?
Hindi na 'to malusog para sa mamamayan at mga sambayanan! Presinte at Senado! Nagpapaka-bobo na kayo! Mga deputa kayo! Hindi na 'to ang Pilipinas na minahal at pinalaya ng ating Pambansang bayani na si Jose Rizal!
Tumayo kayo sa nga higaan! Alisin ang mga gamit na nakapasak sa tenga! Pakinggan ang sigaw ng taumbayan (taong-bayan)! Hindi 'yung nagpapaka-bingi ka't nakikinig sa mga kantang iyan!
Magbasa ng mga aklat, hindi 'yung puro ka lang kalandian!
Bakit hindi niyo nalang sunugin ang Watawat at palitan ng picture ng BTS at Momoland na 'yan, ha?
Totoo nga. Pilipinas, Tangang-tanga na nga kayo.
O, nagpapaka-tanga?
by: Charly dinaque
Ps. This is not a hate post. Gusto ko lang ibahagi kung ano 'yung gustong lumabas sa puso't isipan ko. If natatamaan ka, aba, hindi ako 'yung nagpapatama sa'yo. Pinapatamaan mo sarili mo, kasi, if alam mo naman ang isang bagay na sinabi sa'yo ay hindi totoo, bakit ka mao-offend, di'ba? God bless Us all!💙
Pps. Be Open-Minded naman po guys. Intindihin 'yung message. Hindi 'yung side n'yo lang pinapairal n'yo, jusko. Tsaka, hindi ko puntirya 'yung BTS and Momoland. Lol, be Open Minded. Hahahaha💜