30/08/2025
𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗜𝗔𝗡𝗦!
𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 2025!
𝐏𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚: 𝑀𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑠𝑎 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑛𝑠𝑎.
𝐏𝐀𝐌𝐏𝐈𝐍𝐈𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐔𝐍𝐓𝐔𝐍𝐀𝐍
Matagumpay na naisagawa ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 sa pangunguna ng G**ong Tagapayo ng samahan ng mga mag-aaral sa Filipino o SAMAFIL na si Gng. Analyn DC. Lazaro, katuwang ang Pangulo ng SAMAFIL na si Almirra Nicolas kasama ang mga opisyales nito. Ito ay naging matagumpay sa pamamagitan ng preparasyong inihanda ng buong departamento ng FILIPINO para sa ganitong makasaysayang programa na nag silbing pampinid na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang nasabing programa ay sinimulan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na kinumpasan ni Gng. Ma. Lourdes R. Escala, at panalangin na pinangunahan ni Gng. Filomena B. Calimag; mga g**o sa FILIPINO.
Samantala, nagbigay ng pambungad na mensahe ang ating mahal na ina ng paaralan; Gng. Marissa O. Ramos na kinatawan ni Gng. Evelyn R. Sicat; Ulong G**o VI ng Mathematics Department patungkol sa pag diriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Nagsilbi namang tagapagdaloy ng palatuntunan si Almirra Nicolas ang Pangulo ng SAMAFIL.
Dumalo at nagsilbing hurado para sa patimpalak ng Katutubong Sayaw sina Bb. Charmaine B. Tuazon mula sa Departamento ng Senior High School, Gng. Jenny Y. Balanquit na Coordinator ng Departamento ng SNED, at si G. Carl Jumong R. Jebulan mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Bulacan State University; dating Pangulo ng SAMAFIL.
Kasunod nito ay nag pasiklab ng kanilang talento sa pag-sasayaw ang mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-12 baitang. Sila ay nagsayaw ng mga Katutubong sayaw na may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa.💃💃
Pagkatapos ng kanilang presentasyon, hindi nagpahuli ang intermisyon ni James Moises Manahan na nanalo sa patimpalak na 𝐒𝐩𝐨𝐤𝐞𝐧 𝐏𝐨𝐞𝐭𝐫𝐲, pati na rin ang ipinamalas na galing sa 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚 ng mag aaral mula sa Baitang 8.
Nang matapos ang kanilang pag tatanghal ay dumako na ang pag-aanunsiyo ng mga nagwagi sa mga patimpalak na Laro ng Lahi, Spoken Poetry, Paggawa ng Sanaysay, Paggawa ng Tula, Poster making, Talumpating Di-Handa, at ang pinakahuli ay ang mga nanalo sa patimpalak na Katutubong Sayaw. Ito ay pinangunahan ni Jumong R. Jebulan dating Pangulo ng SAMAFIL.🎖️🏆
Winakasan ang palatuntunan sa pamamagitan ng pampinid na pananalita na nagmula kay Gng. Jenyfer H. Guballa; Ulong G**o III ng Departamento ng FILIPINO.
Sa kabila ng lahat, ang aming samahan ay nagpapasalamat sa mga lumahok at tumulong upang matagumpay na maisagawa ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025. Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ito sana ay magsilbing inspirasyon sa bawat kabataan na lalo pang pahalagahan at mahalin ang ating pambansang wika at mas lalong pang maunawaan ang taglay nitong kapangyarihan at kasaysayan.🤎
𝐌𝐀𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎!🗣️🇵🇭