31/05/2026
Hindi lahat ng impormasyon ay dapat naka-public online.
I-review ang inyong phone at social media privacy settings. Limitahan ang nakikitang personal details tulad ng birthday, address, contact number, family details, travel plans, at screenshots na maaaring maglaman ng OTP, account details, o iba pang sensitibong impormasyon.
Kung nakompromiso ang inyong account o personal na impormasyon, makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer. Maaari ring i-report ang scammers sa DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa https://cicc.gov.ph/report o hotline 1326, at sa PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center sa https://acg.pnp.gov.ph/?page_id=67.
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaari itong ipagbigay-alam sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB sa www.bsp.gov.ph, BSP Facebook Messenger, o BSP mobile app.
Gawin ang Check-Protect-Report: suriin ang kahina-hinalang mensahe, protektahan ang inyong accounts, at i-report ang scams sa tamang channels.