03/04/2026
Taospusong nakikiramay kay Konsehala Amanda Camilon , sa kanilang mga kapamilya at mga mahal sa buhay sa pagpanaw ni dating Konsehal Allan Rey Aman Camilon.
Bago pa man siya maging SK Chairman ng Barangay Poblacion noong 1996, nakilala ko na siya. Naihalal bilang SK Federation President ng parehas na taon at nagsilbi siya bilang konsehal. Nagsimula naming makasama sa Sangguniang Panlungsod si Konsi Allan noong siya ay 20 years old pa lamang habang ako ay Liga ng mga Barangay President at nagsilbing Konsehal rin.
Dedikasyon ang ibinahagi ni Konsi Allan sa kanyang panunungkulan. Isa siya sa mga aktibong lingkod bayan. Madaling lapitan ng mga Muntinlupeรฑo at sa batang edad, siya ay naging mapaglingkod at mapagmalasakit sa ating mga kababayan. .
6 beses na naihalal bilang konsehal at 23 na taong nagsilbi sa ating mahal na lungsod. Sa mahabang panahon, di matatawaran ang kanyang public service. Isang tunay na Muntinlupeรฑo.
Maraming salamat at Paalam, Kaibigan, Konsi Allan Camilon.
Hinding hindi ka namin makalilimutan. Mahal ka namin.