11/06/2026
Sa araw na ito, hindi lamang natin ginugunita ang ating kasarinlan, kundi binibigyang-pugay din ang dugo, pawis, at sakripisyong inialay ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaang ating tinatamasa ngayon. Ang Hunyo 12 ay paalala na ang kalayaan ay hindi basta ipinagkaloob; ito ay ipinaglaban, ipinagsanggalang, at patuloy na pinahahalagahan.
Sa gitna ng kasalukuyang mga hamon sa ating lipunan at pamahalaan, nawaโy magsilbing paalala ang diwa ng araw na ito na ang tunay na kalayaan ay may kasamang pananagutan.
Responsibilidad nating mga mamamayan na maging mapanuri, makiisa sa katotohanan, at aktibong makilahok sa paghubog ng mas maayos, makatarungan, at nagkakaisang bansa.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐!