22/07/2026
๐๐ค MCDC Regular Monthly Meeting ๐ค๐
Matagumpay na naisagawa ang Regular Monthly Meeting ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) โ Hagonoy noong July 17, 2026 sa Abulalas Multi-Purpose Cooperative (MPC).
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin, programa, at mga aktibidad na may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa bayan ng Hagonoy. Naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng mga kasaping kooperatiba at mga katuwang na ahensya.
Lubos na ikinagagalak ng MCDC ang pakikiisa at suporta nina Ma'am Anj mula sa Cooperative Development Authority (CDA) Region III, Sir Jesse mula sa Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO), at ng Good Neighbors, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at patuloy na suporta sa sektor ng kooperatiba.
Maraming salamat din sa Abulalas Multi-Purpose Cooperative sa kanilang mainit na pagtanggap at sa pagiging host ng nasabing pagpupulong.
๐ค Sama-sama nating palakasin ang kooperatibismo tungo sa mas maunlad na komunidad.
๐ฉท Service from the Heart ๐ฉท