07/06/2026
LAGPIO-FB-0607-2026-02-21
Press Release No. 05-2026
Sunday, June 7, 2026
Laguna PNP Arestado ang Most Wanted Person Matapos Magtago ng Siyam na Taon sa Kasong Murder
Camp BGen Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna — Matagumpay na naaresto ng San Pedro Component City Police Station, katuwang ang Sta. Rosa Component City Police Station, ang isang Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation noong Hunyo 6, 2026.
Kinilala ni PCOL SANDRO JAY DC TAFALLA, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas “Rich,” 40 taong gulang at residente ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat ng San Pedro CCPS sa pamumuno ni PLTCOL REYNALDO N VITTO, Officer-in-Charge ng nasabing istasyon, natukoy ng kanilang mga operatiba ang kinaroroonan ng akusado matapos ang masusing pangangalap ng impormasyon. Agad na ikinasa ang operasyon katuwang ang Sta. Rosa CCPS na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Rich” bandang alas-7:15 ng gabi sa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 24, Fourth Judicial Region, Biñan City, Laguna. Nahaharap ang akusado sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CCPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang naipagbigay-alam na rin sa hukuman ang matagumpay na pagpapatupad ng warrant of arrest.
“Sa pagkakaaresto ng akusadong ito, mabibigyan ng hustisya ang biktima at ang kanyang pamilya. Tinitiyak ko na mananagot siya sa batas sa kanyang ginawa. Gaano man katagal ang pagtatago, walang sinuman ang makatatakas sa batas.” pahayag ni PD Tafalla.
Authority: PCOL SANDRO JAY DC TAFALLA, Acting Provincial Director, LPPO
PCPT GLORIA P BALIUAG C, LPIO
Contact Nos. Tel: 09451454794
Website: page: Pulis ng Laguna