30/03/2026
DAY 14: SERBISYO CARAVAN SA BRGY. CAMANDAG! ✅
Kumusta, mga taga-Camandag! Ngayong araw, March 30, ang ating Municipal Assessor’s Office team naman ang nag-setup dito sa inyong barangay para sa LGU-Looc Serbisyo Caravan.
Kahit hindi nakapagsalita si Sir Cesar, ang ating buong team ay nakatutok sa pagbibigay ng TULONG at impormasyon sa bawat residenteng lumalapit sa ating table. Narito ang mga tinalakay nating mahahalagang paksa:
📝 Real Property Amnesty: Paalala sa deadline sa July 5, 2026.
📑 Para sa CLOA: Requirements gaya ng Photocopy of Title (2x), Approved Plan mula sa DAR, at Realty Tax payment ng dating owner.
🏠 Free Patent Title: Gabay para sa mga gustong magpatitulo ng Residential o Agricultural land sa DENR.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon at sa maayos na pakikipag-ugnayan sa aming opisina. Hanggang sa susunod na pagbisita! 🤝