02/06/2026
BUSUANGA, CORON, CULION & LINAPACAN HEALTH ZONE Board Meeting.
Muli po nating pinagtibay ang ating pangako na unahin ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan. Ang bawat talakayan, plano, at desisyong ating binuo ay hakbang tungo sa mas maayos, mas abot, at mas de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga komunidad.
Naniniwala po tayo na sa pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan ng Calamianes, mga health workers, at iba’t ibang katuwang, mas magiging matatag ang ating sistemang pangkalusugan.💙
Sama-sama, isinusulong po natin ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan ng ating mga bayan.🙏