17/03/2026
๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฌ๐ | CFPPA Kumita ng โฑ26,335 sa Night Market at Agri Trade Fair sa Albay
Ipinamalas ng Cagbatano Fisherfolk Para sa Pagbabago Association (CFPPA) ang kanilang kakayahan sa paggawa ng value-added na produkto sa Night Market and Agri Trade Fair noong Marso 8โ15, 2026. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Tinapa Festival at ika-62 taong anibersaryo ng Pio Duran, Albay, kung saan tampok ang kanilang calamares, espesyal na Lumpiang Tamisan mula sa higanteng pusit, at ibaโt ibang sariwang huli.
Sa loob ng pitong araw ng aktibidad, nakapagtala ang CFPPA ng kabuuang benta na umabot sa โฑ26,335.00. Ang halagang ito ay patunay ng lumalaking pagtangkilik ng publiko sa kanilang mga produkto at ng potensyal ng kanilang Community-Based Enterprise (CBE) bilang dagdag na kabuhayan para sa asosasyon.
_____
For more information about the Program, visit our WEBSITE: https://saad.bfar.da.gov.ph/
๐บ๐จ๐จ๐ซ, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐!