01/12/2025
TINGNAN: Pinarangalan ng Malabon LGU ang CMU I-Connect bilang pagkilala sa tagumpay na nakamit ng grupo matapos itong makapasok sa Top 20 Finalists ng United Nations Sustainable Development Solutions Network (UN SDSN) Youth Philippines para sa category na Most Outstanding Organization for Partnership ng Ten Outstanding United Nations Sustainable Development Goals Award (TOUSA).
Bukod dito, isa na ring ganap na accredited organization ang CIC sa Global Youth Program (GYP) ng UN SDSN Youth Philippines dahil sa dedikasyon nitong isulong ang sustainable development at youth leadership sa pamamagitan ng paghahatid ng mapagkakatiwalaang balita sa loob at labas ng pamantasan.
Magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang mas mapagbuti pa ng mga miyembro ng CMU I-Connect ang pagbibigay ng buong pusong serbisyo sa komunidad.
Caption by: Aldron Bataliran