Mayor Ays Avellano Canimo

Mayor Ays Avellano Canimo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor Ays Avellano Canimo, Megaworld Boulevard corner Enterprise Road, Iloilo Business Park, Mandurriao.

🍇 READY FOR THE VINEYARD! 🍇Mas mahabang pagsasama-sama, mas maraming programa.
08/10/2026

🍇 READY FOR THE VINEYARD! 🍇

Mas mahabang pagsasama-sama, mas maraming programa.

Iloilo, here we come! ✈️Once a BKAP, always a BKAP!
08/10/2026

Iloilo, here we come! ✈️

Once a BKAP, always a BKAP!

MULING IPATUTUPAD ANG ORDINANSA LABAN SA PLASTIC SA ALABAT! Muli nating ipatutupad sa bayan ng Alabat ang ordinansang na...
08/10/2026

MULING IPATUTUPAD ANG ORDINANSA LABAN SA PLASTIC SA ALABAT!

Muli nating ipatutupad sa bayan ng Alabat ang ordinansang nagbabawal sa paggamit ng mga single-use plastic at iba pang plastic na nakapipinsala sa ating kalikasan.

Bilang bahagi ng pagpapatupad nito, inihahanda natin ang pamamahagi ng tumbler sa bawat tanggapan at sangay ng pamahalaang bayan, upang mabawasan ang paggamit at pagdadala ng bottled water.

Hinihiling din natin ang pakikiisa ng lahat ng paaralan sa pagpapatupad ng ordinansa, lalo na sa ating mga mag-aaral.

Kasabay nito, nagpapasalamat tayo sa ating mga Punong Barangay at Sangguniang Barangay sa kanilang masigasig na kampanya at pakikipag-ugnayan sa mga tindahan/negosyante sa kani-kanilang barangay.

Ang ordinansang ito ay una nang ipinatupad noong panahon ng ating dating Punong Bayan, MGEn. Fernando Mesa.

Ngayon, muli natin itong isasagawa dahil naniniwala tayo na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang responsibilidad na dapat nating ipagpatuloy para sa susunod na henerasyon.

Noong nakaraang taon, nais na rin nating ipatupad ang ordinansa, subalit binigyan natin ng panahon ang ilang negosyante na maubos ang kanilang mga naunang stock ng plastic packaging.

Ngayon, sapat na ang panahong ibinigay. Panahon na upang sama-sama nating isabuhay ang isang mas malinis, mas maayos, at mas makakalikasang Alabat.

Para sa ating kalikasan. Para sa kinabukasan ng Alabat.

-Alabat.

Maraming, maraming salamat po, Hon. Gov. Dra. Helen Tan, at sa lahat ng naging daan upang maiparating sa bayan at mamama...
08/10/2026

Maraming, maraming salamat po, Hon. Gov. Dra. Helen Tan, at sa lahat ng naging daan upang maiparating sa bayan at mamamayan ng Alabat ang KALINGA sa Mamamayan—tulong pinansyal mula sa Kapitolyo.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Kgd. Daniel “Dadan” Andres sa kanyang pagsisikap upang mabigyan ng prayoridad ang ating mga kababayan sa Isla at Bayan ng Alabat.

Kinikilala at pinasasalamatan din po natin ang ating OIC Municipal Mayor, Hon. Hubert Ursolino, sa pakikiisa at suporta sa isinagawang Kalinga sa Mamamayan Pay-Out.

Maraming salamat po sa patuloy na pag-alalay at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

With Hon. Mayor Patrick Go and his team from Siniloan, Laguna. We hope to see you here in Alabat! It would be our pleasu...
08/10/2026

With Hon. Mayor Patrick Go and his team from Siniloan, Laguna.

We hope to see you here in Alabat! It would be our pleasure to welcome you. 🧡💛

Basahin po natin! Kahit umuulan, patuloy tayong maghanda para sa El Niño. Mag-ipon ng tubig at maging maagap—iba ang han...
07/10/2026

Basahin po natin!

Kahit umuulan, patuloy tayong maghanda para sa El Niño. Mag-ipon ng tubig at maging maagap—iba ang handa!

CONGRATULATIONS! Mr. Jhesmer El Kenesis B. Novilla— ALABLIKHA Enterprises —Malugod nating binabati ang ating kabataang m...
07/10/2026

CONGRATULATIONS!

Mr. Jhesmer El Kenesis B. Novilla
— ALABLIKHA Enterprises —

Malugod nating binabati ang ating kabataang magsasaka sa pagtanggap ng Sertipiko at ₱80,000.00 bilang pagkilala sa kanyang tagumpay sa Young Farmers Challenge (YFC) Program 2026 – Start-Up.

Isang patunay na ang kabataan ay may kakayahang manguna, magnegosyo at magbigay ng bagong sigla sa ating sektor ng agrikultura.

Ipagpatuloy ang pangarap at pagsusumikap para sa mas masaganang kinabukasan!

Congratulations, Jhesmer! Ipinagmamalaki ka ng Alabat! 🧡💛

Ang Young Farmers Challenge Program ay dinaluhan ng ating Punong Bayan kasama ang ating AWARDEE na si G. Jhesmer El Kene...
07/10/2026

Ang Young Farmers Challenge Program ay dinaluhan ng ating Punong Bayan kasama ang ating AWARDEE na si G. Jhesmer El Kenesis B. Novilla Pangulo ng 4H Club Alabat.

BINABATI NATIN ANG ATING GRAND RAFFLE WINNER! Taos-puso po nating binabati si Nanay Ness Soledad Porlaje ng Pambilan Sur...
07/10/2026

BINABATI NATIN ANG ATING GRAND RAFFLE WINNER!

Taos-puso po nating binabati si Nanay Ness Soledad Porlaje ng Pambilan Sur, ang masuwerteng nagwagi sa Grand Raffle para sa ating mga nakatatandang mamamayan!

Mula po sa ating Punong Bayan, Mayor Ays, isang munting kaloob na ₱5,000.00 bilang pagpapahalaga at pagbati sa inyong panalo.

Congratulations po, Nanay Ness!

Kudos sa mga TUPAD Beneficiaries ng Alabat!Patuloy nating kinikilala at pinahahalagahan ang sipag, tiyaga, at pananaguta...
07/10/2026

Kudos sa mga TUPAD Beneficiaries ng Alabat!

Patuloy nating kinikilala at pinahahalagahan ang sipag, tiyaga, at pananagutan ng ating mga TUPAD beneficiaries na masigasig na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Ang kanilang dedikasyon sa pagtupad ng mga gawain ay patunay ng kanilang malasakit sa komunidad at pagpapahalaga sa marangal na paggawa.

Maraming salamat sa inyong serbisyo at mabuting halimbawa. Ipagpatuloy ang pagiging masipag, responsable, at tapat sa inyong tungkulin!


Address

Megaworld Boulevard Corner Enterprise Road, Iloilo Business Park
Mandurriao
5000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Ays Avellano Canimo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share