04/09/2026
Haze Alert!
HAZE ALERT!
Ang nararanasang haze ay dulot ng forest at land fires sa Kalimantan, Indonesia, kung saan ang usok ay maaaring tangayin ng hangin patungo sa ating rehiyon.
Maaaring makaapekto ang haze sa kalidad ng hangin, kalusugan, visibility, at kapaligiran.
Manatiling ligtas:
• Magsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas.
• Manatili sa loob ng bahay kung makapal ang haze.
• Isara ang mga bintana at pinto.
• Bantayan ang mga bata, matatanda, at may karamdaman.
• Subaybayan ang opisyal na air quality updates at advisories.
Kung may makitang sunog o makapal na usok, agad itong ireport sa Barangay o MDRRMO.
Sama-sama sa pag-iwas sa haze!
Malinis na hangin, malusog na mamamayan, ligtas na Maguindanao del Sur.
PDRRMO OpCen: 09696261216