02/06/2026
June 1, 2026 | Monday 💕
Nakiisa po ang inyong lingkod, Dra. Kristel Nones Guelos, sa isinagawang pagdinig ng Committee on Laws, Rules and Privileges.
Tinalakay po dito ang iba’t ibang resolusyon na nagbibigay pahintulot sa ating Punong Lungsod na pumasok, lumagda, at magsagawa ng mga kinakailangang pakikipag-ugnayan kaugnay ng iba’t ibang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at mga tanggapan at kagawaran ng pambansa at lokal na pamahalaan, mga institusyong pampinansyal, mga propesyonal sa larangan ng kalusugan, at iba pang mga katuwang na organisasyon.
Ang mga kasunduan pong ito ay naglalayong palakasin ang paghahatid ng mga serbisyo publiko, isulong ang mga programa ng Lungsod, at higit pang mapabuti ang kapakanan at serbisyong natatanggap ng ating mga kababayan.
SERBISYONG MAY NGITI AT MAY PUSO❤️
!