02/06/2026
🎒📚 DISTRIBUTION OF BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 📚🎒
Nais ipabatid ng ating Punong Barangay, Kap. Erap Sanchez, at ng buong Sangguniang Barangay na magkakaroon ng pamamahagi ng Bags at School Supplies sa June 3 at June 4, 2026 para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.
Para naman sa mga Daycare, Kindergarten, at High School students, hinihiling po namin na antabayanan ang mga susunod na anunsyo sa ating FB Page para sa kanilang iskedyul ng pamamahagi.
Kasalukuyan pa pong pinoproseso ang karagdagang bilang ng bags at school supplies na ipamamahagi sa ating mga mag-aaral.
🎒 Ang bawat kwalipikadong estudyante ay makakatanggap ng:
✔️ School Bag
✔️ Notebooks
✔️ Ballpen
✔️ Lapis
📌 MGA KAILANGANG DALHIN SA PAGKUHA:
👨🎓 Para sa Estudyante (kahit alin sa mga sumusunod):
• School ID (nakaraang taon)
• Report Card (nakaraang taon)
• Enrollment Slip
👨👩👧 Para sa Magulang o Guardian (kahit alin sa mga sumusunod):
• Voter's ID
• Barangay ID
• Voter's Certificate
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.