09/03/2026
๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐, ๐๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐
๐๐๐ค๐ ๐ด๐๐ก๐๐๐๐โUpang higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga mangingisda at magsasaka sa pagpoproseso ng isda, sumailalim sa pagsasanay sa pagtitinapa ang mga miyembro ng Samahan ng Mangingisda at Magsasaka ng Nampicuan (SMMN) sa ilalim ng pagpapatupad ng BFAR Regional Office III โ Special Area for Agricultural Development Program Phase II (BFAR RO3-SAAD) noong ika-4 ng Marso 2025 sa Nampicuan, Nueva Ecija.
Isinagawa ang pagsasanay bilang paghahanda ng asosasyon sa planong pagtatayo ng common post-harvest facility sa kanilang lugar, na inaasahang magsisilbing sentro ng pagpoproseso ng mga produktong pangisdaan ng mga miyembro. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng dagdag na kaalaman ang mga benepisyaryo sa wastong paghawak at pagproseso sa kanilang huling huli mula sa pangisdaan.
Bilang bahagi ng aktibidad, sumailalim ang mga kalahok sa hands-on training sa pagtitinapa, kung saan kanilang natutunan ang tamang paghahanda ng isda, wastong proseso ng pag-aasin at pagpapatuyo, pati na ang maayos na paraan ng pagpapausok upang makalikha ng de-kalidad at ligtas na produktong tinapa.
Pinangunahan ang pagsasanay nina Bb. Jhoan Vargas at Bb. Elaine Bunolna, mga kawani ng BFAR III Post-Harvest and Marketing Section, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at praktikal na teknik sa pagpoproseso ng isda upang mapahusay ang kalidad at marketability ng mga produktong pangisdaan ng asosasyon.
Ayon kay Mr. Virgilio Tabelisma, miyembro ng SMMN, malaking tulong ang naturang pagsasanay upang mas maunawaan nila ang tamang proseso ng pagtitinapa. Aniya, โDahil sa pagsasanay na ito, natutunan namin ang tamang paraan ng pagtitinapa at masisiguro namin na malinis at de-kalidad ang produktong aming magagawa.โ
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na
pinalalakas ng BFAR RO3-SAAD Program ang kakayahan ng mga samahan ng mangingisda at magsasaka hindi lamang sa produksyon kundi pati sa post-harvest processing at value-adding activities. Inaasahan na sa tulong ng kaalamang natamo at ng planong pagtatayo ng common post-harvest facility, mas mapapalawak pa ang oportunidad sa kabuhayan ng mga miyembro ng SMMN at mapalalakas ang kanilang ambag sa lokal na industriya ng pangisdaan sa Nampicuan, Nueva Ecija.
๐๐๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐-๐๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐:
The Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Special Area for Agricultural Development (DA-BFAR SAAD) Program Phase 2 aims to contribute to poverty reduction and improve the living conditions of vulnerable fisherfolk and their communities by providing sustainable livelihood opportunities and support for poor fishing sectors. These interventions intend to complement the DA banner programs and assist beneficiaries in establishing community-based fishery enterprises. The BFAR-SAAD strives to enhance food security and promote economic growth in targeted areas across the Philippines.
๐บ๐จ๐จ๐ซ, ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐.