31/03/2020
Nais po naming ipaalam sa ating mga Kababayan na ang SANGGUNIANG BAYAN ng TALISAY ay lubos na sumusunod at tumatalima sa PAGDEKLARA NG ATING PANGULO NG "STATE OF CALAMITY" relative to COVID-19 PANDEMIC.
Ang PAMAHALAANG BAYAN ay agad na nagpalabas ng PAUNANG PONDO na mula sa 2020 ANNUAL BUDGET - 30% QRF of CALAMITY FUND na nagkakahalaga ng
₱ 1,200,000.00 intended for the PURCHASE OF FOOD PACKS/RELIEF na ipinamahagi sa mga MAMAMAYAN ng 15 BARANGAY ng BAYAN NG TALISAY.
Dahil hindi sapat ang PAUNANG PONDO na pinalabas ng PAMAHALAANG BAYAN, humiling ang PUNONG-BAYAN na magpalabas ng KARAGDAGANG PONDO at kasunod po nito ay agad na tumalima ang SANGGUNIANG BAYAN sa pagpapalabas ng pondo, at sa pamamagitan po nito, nuong MARCH 30, 2020 ay inaprubahan ang SUPPLEMENTAL BUDGET thru APPROPRIATION ORDINANCE na may kabuuang halaga na
₱ 7,005,241.93 na nagmula sa mga sumusunod:
20% DEVELOPMENT FUND - ₱ 4,005,241.93
30% MDRRM TRUST FUND - ₱ 3,000,000.00
All intended for the PURCHASE of Food Supplies, Drug & Medicines, Livelihood Assistance, Welfare Goods, Financial Assistance for All Frontliners, Operational, Management and Recovery Provisions for the Prevention and Control of "COVID 19" at bilang karagadagan na pondo kung sakali man na ma-extend pa ang "ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE".
For the sake of "TRANSPARENCY AND ACCOUNTABILITY", ang PUNONG-BAYAN o MAYOR ang direktang namamahala sa PONDO AT PERA NG BAYAN at nag-iimplement ng mga PROYEKTO ng PAMAHALAANG BAYAN.
Ang lahat po na inilalabas na PONDO ng PAMAHALAANG BAYAN ay inaaprubahan ng SANGGUNIANG BAYAN dahil alam po natin na HINDI PWEDENG MAGPALABAS ng PONDO AT MAG-IMPLEMENT NG PROYEKTO ang ating MAYOR kung WALA pong APPROVAL ng SANGGUNIANG BAYAN.
Sa mga ipinalabas po na pondo ng ating Pamahalaang Bayan, ang SANGGUNIANG BAYAN NG TALISAY ay lubos na umaasa na ito ay makakatulong upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating bayan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Kung kayo po ay may mga tanong o agam-agam sa inyong mga isipan ay bukas po ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan para sa inyong mga kaalaman at kasagutan.
TULONG-TULONG AT SAMA-SAMA NATING LABANAN ANG COVID-19 🤜🤛👊👊😷😷