Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro

  • Home
  • Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro

Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro, Government Organization, Rizal, Occidendal Mindoro, .

"Tatay! Ikaw Naman!"Inaanyayahan po namin ang mga Tatay at mga kabataang benepisyaryo ng Programa sa Bayan ng Rizal na m...
13/04/2022

"Tatay! Ikaw Naman!"
Inaanyayahan po namin ang mga Tatay at mga kabataang benepisyaryo ng Programa sa Bayan ng Rizal na manuod at makinig sa isasagawang FDS (Family Development Session) at YDS (Youth Development Session) na may temang, "Empowerment and Re-affirmation of Paternal Abilities (ERPAT) sa 97.7 Bambi FM San Jose mula ika 10:30 ng umaga hanggang ika 11:00 ng umaga. Makakasama po natin ang Municipal Social Welfare and Development Office upang magbigay ng mga kaalaman sa mga benepisyaryo. Inaasahan po namin ang pakikiisa ng mga benepisyaryong mga kabataan lalong higit ang mga Tatay sa Bayan ng Rizal. Maraming salamat po.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya dito sa Bayan ng Rizal na makinig ng radyo...
01/03/2022

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya dito sa Bayan ng Rizal na makinig ng radyo sa Bambi FM San Jose 97.7 at manood ng Facebook Live para sa isasagawang Youth Development Session on Air sa darating na ika-05 ng Marso, 2022 sa ganap na ika 10:30 ng umaga hanggang ika 11:00 ng umaga araw ng sabado sa Bambi FM San Jose kasama ang Rizal MPS upang magbigay ng kaalaman pantungkol sa RA 11313 o ang Safe Spaces Act. Maraming salamat po at inaasahan po namin ang pakikiisa ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya sa Bayan ng Rizal.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya dito sa Bayan ng Rizal na makinig ng radyo...
19/10/2021

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya dito sa Bayan ng Rizal na makinig ng radyo sa Bambi FM San Jose 97.7 at manood ng Facebook Live para sa isasagawang Youth Development Session on Air sa darating na ika-23 ng Oktobre, 2021 sa Bambi FM San Jose kasama ang ALS Teacher na si Sir Anthony Q. Venus para ipaliwanag ang mga aktibidad at mga gabay ng mga nais muling mag-aral at ituloy ang pag-aaral sa ALS. Maraming salamat po at inaasahan po namin ang pakikiisa ng mga kabataang miyembro ng Pantawid Pamilya sa Bayan ng Rizal.

June 23, 2021Barangay Rumbang Covered Court, Barangay Rumbang, Rizal, Occidental Mindoro."Maraming salamat po sa Departm...
23/06/2021

June 23, 2021
Barangay Rumbang Covered Court, Barangay Rumbang, Rizal, Occidental Mindoro.

"Maraming salamat po sa Department of Trade and Industry sa pagtuturo sa amin sa pag-gawa ng mga Longganisa, Tocino at Tapang baboy, marami po kaming natutunan kung paano ang tamang proseso sa pag-gawa na magagamit namin kung sakaling gusto namin gumawa at magbenta para may pandagdag na kita habang kami ay nasa bahay ngayong may pandemya."
- Mrs. Dominga Cabutaje, Parent Leader ng Barangay Aguas, Rizal, Occidental Mindoro.

Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry, (75) Pitumput limang benepisyaryo ng programa, (3) tatlo sa mga ito ay for exiting na sa programa mula sa (11) labing isang barangay sa Bayan ng Rizal ang dumalo sa NSB Caravan cm Techno Demo on Meat Processing noong ika- 21, ng Hunyo taong kasulukuyan na ginanap sa Barangay Rumbang Covered Court sa pangunguna ni Ms. Veronica L. Pasion. Sa nasabing training ay maraming mga benepisyaryo ang natuwa at lubos ang pasasalamat dahil may mga bagong kaalaman silang natutunan na kanilang magagamit sa kanilang hanapbuhay. May pandemya man tayo na kinakaharap ay di matatapos ang pagbibigay ng tulong at kaalaman para sa mga benepisyaryo upang mapabuti ang kanilang pamumuhay sa mga darating na panahon. Ang aktibidad na ito ay resulta ng pakikipagugnayan sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng tulong at suporta ang mga benepisyaryo lalong higit ang mga benepisyaryong mag eexit na sa programa. Lubos po ang pasasalamat sa Department of Trade and Industry, LGU Rizal at sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.

May 24, 2021Rumbang Covered CourtBarangay Rumbang, Rizal, Occidental MindoroKasulukuyang ginaganap ang pagbibigay ng cas...
24/05/2021

May 24, 2021
Rumbang Covered Court
Barangay Rumbang, Rizal, Occidental Mindoro

Kasulukuyang ginaganap ang pagbibigay ng cash grants para sa mga benepisyaryo ng programa sa buwan ng Pebrero at Marso 2021 sa mga barangay ng Aguas at Sto. Niño. Mahigpit din ang paalala sa mga benepisyaryo ang pagsusuot ng facemask at faceshield, social distancing, pag-gamit ng alcohol at paghugas ng kamay. Nilagyan rin ang mga waiting area ng mga paalala upang makaiwas Covid 19. Nakaantabay rin ang BLGU Officials at Barangay Tanod sa kaayusan ng pagkuha ng cash grants. Lubos na nagpapasalamat ang MOO Pantawid Staff sa suporta ng LGU-Rizal upang maisakatuparan ang pagbibigay ng cash grants sa mga benepisyaryo ng Bayan ng Rizal.

March 18, 2021Rizal, Occidental MindoroCash grant release P6 2020 at Barangay Rumbang Covered Court for Barangay Rizal, ...
18/03/2021

March 18, 2021
Rizal, Occidental Mindoro

Cash grant release P6 2020 at Barangay Rumbang Covered Court for Barangay Rizal, Sto. Niño and Adela.

Address

Rizal, Occidendal Mindoro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Rizal DSWD Pantawid Pamilya, Rizal, Occidental Mindoro:

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share