28/05/2026
Ang pamunuan ng Tiep Elementary School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng magulang, alumni, barangay officials, pribadong indibidwal, at iba’t ibang organisasyon na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin mula June 1, 2026 hanggang June 6, 2026.
Layunin ng programang ito na maihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase. Inaanyayahan namin kayong magbahagi ng inyong oras, lakas, talento, at anumang donasyon tulad ng pintura, kagamitan sa paglilinis, gardening tools, school supplies, at iba pa na makakatulong sa pagpapaganda ng ating paaralan.
Sa pagtutulungan ng bawat isa, masisiguro nating magiging handa at komportable ang ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
📍 Lugar: Tiep Elementary School
📅 Petsa: June 1–6, 2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa.