02/06/2026
Noong Lunes, matagumpay na sinimulan ng ating paaralan ang Brigada Eskwela 2026 na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.” Naging matagumpay ang unang araw dahil sa pagtutulungan at pakikiisa ng mga g**o, magulang, mag-aaral, mga volunteer, at iba pang stakeholders na naglaan ng oras at lakas upang maihanda ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.
Isinagawa ang iba't ibang gawain tulad ng paglilinis ng mga silid-aralan, pagkukumpuni ng mga pasilidad, at pagsasaayos ng kapaligiran ng paaralan upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang lugar para sa pagkatuto.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa adhikain ng Brigada Eskwela. Ang inyong malasakit at bayanihan ay patunay na ang edukasyon ay responsibilidad nating lahat.
Tuloy-tuloy po ang Brigada Eskwela! Inaanyayahan pa rin namin ang lahat na makibahagi at makiisa para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.
🏫📚✨