30/03/2026
Magandang Araw Kabarangay!
Matagumpay pong naisagawa ang ating Barangay Assembly nitong nakaraang Linggo. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo upang maging maayos at makabuluhan ang ating pagtitipon.
Lubos din po ang aming pasasalamat kina Mayor Larry Alvarez, Vice Mayor Dawn Erika Alvarez Amboy, Kon. Danny Datinggaling , Konsehala Vicky Nubla,Konsehal Mandy Atienza, Konsehal Alex Magsino, Municipal Admin Gerald Garcia, at lalo na kay Kapitana Phen Rivera sa pagpapaunlak ng venue at suporta sa ating barangay.
Maraming salamat din sa ating masisipag na barangay officials, volunteers, at kay SK Chairman Jommel Manalo na tumulong sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay ng ating pagkakaisa para sa mas maunlad at maayos na komunidad.
Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay!