Tahanan ng OFWs - Lebanon

Tahanan ng OFWs - Lebanon For Filipino Migrant Workers in Azerbaijan, Georgia, Lebanon and Turkiye

Ang Kuwenta ng Kuwento Ko sa Litrato I Entry Number 2PAMAGAT NG LITRATO: TAGUMPAY AT PAGBANGONMahirap pong lumayo sa pam...
06/05/2026

Ang Kuwenta ng Kuwento Ko sa Litrato I Entry Number 2

PAMAGAT NG LITRATO: TAGUMPAY AT PAGBANGON

Mahirap pong lumayo sa pamilya makipagsapalaran sa ibang bansa. Araw-araw kinakaharap ang pagod at lungkot. Pero dahil po sa hirap ng buhay at maraming pangarap na gustong maisakatuparan, pinili ko pong lumayo sa aking pamilya para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Isa po sa aking pangarap noon ay ang makakuha ng kurso, makapagtapos at makakuha ng diploma. Pero hindi po iyon natupad gawa ng kapos po ang mga magulang ko sa pera noon. Di ko po natapos ang kursong gusto ko. Akala ko hindi ko na matutupad pa ang pangarap na iyon. Pero dahil sa pagiging OFW na araw-araw nagtitiyaga, nagtitiis at nagsasakripisyo, nakamit ko po ang maituturing kong isang tagumpay sa buhay ko. Nag-enroll po ako sa isang online class at kumuha ng kursong Health and Social Care Level 4. Isang beses sa isang Linggo po ang naging klase po namin at pinili ko po ang araw kung saan libre po ako. Ito po ay ang araw ng day off ko, araw po ng Linggo para kahit papaano po ay makakapagconcentrate po ako sa mga lessons po namin. Hindi po naging madali na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Pero para sa akin wala pong mahirap sa taong may pangarap. Kahit pagod sa maghapon at puyat sa gabi.

Tuwing sweldo, inuuna kong ipadala ang malaking bahagi ng aking kinikita para sa pag-aaral ng anak ko at sa pang-araw-araw na gastusin. Ganun din po na ang pambayad sa akong matrikula. Kaya madalas tinitiis ko pong hindi bumili ng mga bagay para sa sarili ko dahil kailangan kong pagkasyahin ito para sa pamilya at pag-aaral ko. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagbunga lahat ng pagsisikap at pagpupursige ko at dumating yong araw na nakapagtapos ako sa kursong kinuha ko at nakakuha ng diploma.

Ganun pa man hindi pa po dito nagtatapos ang tagumpay dahil araw araw parin akong bumabangon. Tuluy-tuloy parin ang pakikipaglaban sa mga suliranin sa buhay. At para sa akin, kahit araw-araw napapagod basta huwag pong susuko. Alam kong ang aking pagmamahal at dedikasyon ay magiging inspirasyon sa aking anak upang magsikap din sa pag-aaral. Kaya kailangan kong maging matatag sa kabila ng hirap.
____________________________________________
Paalala (Disclaimer): Ang paglalathala ng mga entries ay hindi nangangahulugang sila ang mga nagwagi sa patimpalak. Sa kasalukuyan, hindi pa po inaanunsyo ang mga opisyal na mananalo. Ang lahat ng entries ay dumaraan pa rin sa masusing ebalwasyon alinsunod sa itinakdang pamantayan ng patimpalak.

Ang Kuwenta ng Kuwento Ko sa Litrato I Entry Number 1PAMAGAT NG LITRATO: PAG-ASA AT INSPIRASYONAng larawan na ito na tum...
06/04/2026

Ang Kuwenta ng Kuwento Ko sa Litrato I Entry Number 1

PAMAGAT NG LITRATO: PAG-ASA AT INSPIRASYON

Ang larawan na ito na tumutukoy sa isang magandang tanawin na nagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon. Ang pagtugon ng ating mga kamay ay sumisimbolo sa pagharap sa hamon ng buhay, sa tagumpay man o mga pagsubok na ating pinagdaraanan.

Sa likod ng bawat pagod at puyat sa trabaho, meron tayong sandalan: ang pananampalataya sa Diyos at pamilya na nag-aantay sa atin. Marahil ay mahirap ang lahat, ngunit para sa ating kinabukasan at dedikasyon na makamit ang ating mga pangarap, handa tayong magtiis.

Bilang mga OFW, hindi madali ang malayo sa pamilya at magtrabaho sa ibang bansa. Maraming beses tayong nadadapa at nahihirapan, pero katulad ng tubig na patuloy sa pagdaloy at pag-bagsak, tayo ay matatag at hindi sumusuko. Ang lugar na ito ay paalala na marami pa tayong hamon sa buhay na kakaharapin. Kasabay ng pagkamit ng ating mga pangarap at responsibilidad, mayroon pa ring maganda at saya na naghihintay sa atin.

Kaya naman sa ating mga ka-OFW, tandaan natin palagi: sa bawat hakbang na ating tatahakin, hindi natin maiiwasan na minsan ay may maling desisyon na taliwas sa ating mga pangarap, na minsan ay nauuwi sa pagkapariwara o pagkawala sa tamang landas. Laging tandaan ang mga iniwan nating pamilya at ang dahilan kung bakit tayo nangibang-bansa. Nawa’y tayong mga OFW ay maging ligtas, maayos, at maging inspirasyon sa iba pa nating mga kababayan na gawin ang trabaho nang tama at naaayon sa tungkulin.

____________________________________________

Paalala (Disclaimer): Ang paglalathala ng mga entries ay hindi nangangahulugang sila ang mga nagwagi sa patimpalak. Sa kasalukuyan, hindi pa po inaanunsyo ang mga opisyal na mananalo. Ang lahat ng entries ay dumaraan pa rin sa masusing ebalwasyon alinsunod sa itinakdang pamantayan ng patimpalak.

06/04/2026

Ang Kuwenta ng Kuwento Ko sa Litrato I Maraming salamat po sa lahat ng lumahok at nagsumite ng kanilang mga entries.

Kasalukuyan na pong sinusuri at ine-evaluate ang lahat ng mga isinumiteng kalahok. Matapos ang proseso ng ebalwasyon, makakatanggap po kayo ng mensahe mula sa MWO-Lebanon para sa mga susunod na anunsyo at mahahalagang impormasyon.

Sa mga susunod na araw, isa-isa naming ibabahagi ang mga napiling entries upang maipakita at maipagdiwang ang husay, pagkamalikhain, at mga makabuluhang kuwentong ibinahagi ng ating mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang mga litrato.

Paalala (Disclaimer): Ang paglalathala ng mga entries ay hindi nangangahulugang sila ang mga nagwagi sa patimpalak. Sa kasalukuyan, hindi pa po inaanunsyo ang mga opisyal na mananalo. Ang lahat ng entries ay dumaraan pa rin sa masusing ebalwasyon alinsunod sa itinakdang pamantayan ng patimpalak.

Inaanyayahan namin ang lahat na patuloy na suportahan at abangan ang mga susunod pang entries at ang opisyal na anunsyo ng mga mananalo.

Muli, maraming salamat sa inyong pakikilahok at suporta.

π‘Ύπ’π’“π’Œπ’Šπ’π’ˆ 𝒂𝒃𝒓𝒐𝒂𝒅 π’Œπ’‚ π’π’π’˜, 𝒃𝒖𝒕 π’˜π’‰π’š 𝒏𝒐𝒕 𝒔𝒕𝒂𝒓𝒕 π’ƒπ’–π’Šπ’π’…π’Šπ’π’ˆ π’šπ’π’–π’“ π’π’˜π’ π’ƒπ’–π’”π’Šπ’π’†π’”π’” 𝒏𝒂 π’“π’Šπ’, π’…π’Šπ’ƒπ’‚?With LIKHA Global, you can learn, plan,...
06/03/2026

π‘Ύπ’π’“π’Œπ’Šπ’π’ˆ 𝒂𝒃𝒓𝒐𝒂𝒅 π’Œπ’‚ π’π’π’˜, 𝒃𝒖𝒕 π’˜π’‰π’š 𝒏𝒐𝒕 𝒔𝒕𝒂𝒓𝒕 π’ƒπ’–π’Šπ’π’…π’Šπ’π’ˆ π’šπ’π’–π’“ π’π’˜π’ π’ƒπ’–π’”π’Šπ’π’†π’”π’” 𝒏𝒂 π’“π’Šπ’, π’…π’Šπ’ƒπ’‚?
With LIKHA Global, you can learn, plan, and prepare for your future while working overseas pa.
Hustle now, negosyo later.
Minsan, ang β€œside idea” nagiging main character ng life mo.
Join now the LIKHA Global Business Plan Competitionβ€”baka yung simpleng idea mo, maging next big business mo na pala.
π——π—˜π—”π——π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ 𝗒𝗙 π—¦π—¨π—•π— π—œπ—¦π—¦π—œπ—’π—‘: June 15, 2026
π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯ 𝗑𝗒π—ͺ: https://sites.google.com/dmw.gov.ph/likha-ofw?usp=sharing

πŸ“£ ABISO πŸ“£MGA ARAW NA WALANG PASOKIpinagbibigay-alam ng Pasuguan ng Pilipinas na pansamantala itong magsasara bilang pagt...
06/03/2026

πŸ“£ ABISO πŸ“£
MGA ARAW NA WALANG PASOK
Ipinagbibigay-alam ng Pasuguan ng Pilipinas na pansamantala itong magsasara bilang pagtalima sa mga sumusunod na mga araw ng paggunita sa Pilipinas at sa Lebanon:
12 Hunyo 2026 (Biyernes) - Araw ng Kalayaan
26 Hunyo 2026 (Biyernes) - Ashoura
Agad na magbabalik ang aming serbisyo sa kasunod na araw ng trabaho.
Para sa agarang katanungan, maaring tumawag sa Migrant Workers Office sa +961 79 110 729 o sa ATN Hotline ng Pasuguan sa +961 70 858 086.

This month, we proudly celebrate the 31st Migrant Workers’ Day, a fitting tribute to the hardworking overseas Filipino w...
06/01/2026

This month, we proudly celebrate the 31st Migrant Workers’ Day, a fitting tribute to the hardworking overseas Filipino workers whose dedication, resilience, and sacrifice continue to uplift their families and the nation. As modern-day Bayani, they thrive even in adversity and remain beacons of hope through their resilience and excellence. With the whole-of-nation approach to governance under President Ferdinand R. Marcos Jr., we continue to work together to support the full-cycle reintegration of OFWs, especially those who have returned home temporarily or permanently.

With this year’s theme, β€œBayan, Bayani, Bayanihan,” we recognize the powerful connection among our nation, our heroes, and our community. Let us continue to support and empower our migrant workers, ensuring their contributions are valued and their welfare protected.

Happy 31st Migrant Workers’ Day to all overseas Filipino workers!

ANUNSIYO
05/27/2026

ANUNSIYO

05/21/2026
Bilang pakikiisa sa nalalapit na pagdiriwang ng Philippine Migrant Workers Day, inaanyayahan ang lahat ng ating mga OFWs...
05/21/2026

Bilang pakikiisa sa nalalapit na pagdiriwang ng Philippine Migrant Workers Day, inaanyayahan ang lahat ng ating mga OFWs at migranteng manggagawang Pilipino na ibahagi sa pamamagitan ng litrato ang kanilang makabuluhang kuwento ng buhay, sakripisyo, tagumpay, kultura, katatagan, at pang-araw-araw na karanasan sa ibayong-dagat.

Ipakita sa mundo ang inspirasyon at dedikasyon ng bawat Pilipinong manggagawa saan mang panig ng mundo. Sama-sama nating ipagdiwang ang inyong kontribusyon, tapang, at pagmamahal sa pamilya at bayan.

The Philippine Embassy in Ankara and MWO-Lebanon successfully conducted online seminars for the Filipino community in An...
05/19/2026

The Philippine Embassy in Ankara and MWO-Lebanon successfully conducted online seminars for the Filipino community in Antalya on 14 and 17 May 2026.
The sessions covered key topics on: Financial Literacy, Labor Law, and Psychosocial Wellness.
These initiatives reflect our continued commitment to empower Overseas Filipino Workers (OFWs) with knowledge, practical skills, and support systems that make their journey abroad safer, more informed, and more meaningful.

Address

MWO Building, Mar Geries Street Hadath, , BaabdΓ’te
Lebanon
1003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tahanan ng OFWs - Lebanon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share