Sangguniang Kabataan ng Barangay Butas na Bato

Sangguniang Kabataan ng Barangay Butas na Bato The Official page of SANGGUNIANG KABATAAN NG BRGY. BUTAS NA BATO (2023-2025)

πŸ“© Got concerns or suggestions?

Message us directly here on our page β€” we’re always ready to assist!

HELLO MGA KABATAAN! Handa na ba kayo? πŸ‘€Ngayong Linggo ng Kabataan 2026, may inihanda kaming Youth Camp para sa inyo this...
09/09/2026

HELLO MGA KABATAAN!
Handa na ba kayo? πŸ‘€

Ngayong Linggo ng Kabataan 2026, may inihanda kaming Youth Camp para sa inyo this September 11–12 na!

May mga activities kaming inihanda na hindi lang kayo basta mag-eenjoy dahil sigurading may bago rin kayong matututunan, makikilala, at syempre mga SURPRISES na malalaman niyo lang kapag nandoon na kayo.

Kaya kung ayaw niyong ma-FOMO… MAGPALISTA NA! πŸ˜‚πŸ“

πŸ“… September 11–12, 2026
πŸ“ Pacific Bay Resort, Brgy. Butas na Bato

For more questions, wag mahihiyang mag-chat kay SK or dito sa FB Page. 😊

See you there, mga kabataan!

05/12/2026

πŸ“’ ATTENTION COLLEGE STUDENTS NA GA-GRADUATE SA TAONG 2027! πŸŽ“

Ang Sangguniang Barangay ng Butas na Bato ay kasalukuyang tumatanggap ng requirements para sa Educational Assistance. Ang Educational Assistance na ito ay bukas lamang para sa mga college students na inaasahang ga-graduate sa taong 2027 at rehistrado sa barangay Butas na Bato.

Kung ikaw ay qualified, magtungo lamang sa Barangay Hall at magsumite ng:
βœ… Certificate of Registration (COR)

πŸ“Œ PAALALA: Kung hindi available ang estudyante, maaaring ang kanilang mga magulang o guardian ang magtungo sa Barangay Hall upang magpasa ng requirements.

πŸ“© Kung hindi makakapunta, maaari kayong mag-message sa page na ito o kaya naman sa official Facebook account ng Butas na Bato para maipaalam at ma-coordinate ang inyong concern.

Pakishare na rin para maipaalam sa ibang qualified students. Maraming salamat! πŸ’™

SUMMER VIBES + GAMING? LET’S GO BNB! πŸ”₯Bakasyon na, so why not make it more exciting? Chill ka na nga, may chance ka pang...
04/26/2026

SUMMER VIBES + GAMING? LET’S GO BNB! πŸ”₯

Bakasyon na, so why not make it more exciting? Chill ka na nga, may chance ka pang maging MVP!
Join our CALL OF DUTY: MOBILE TOURNAMENT and enjoy the summer habang nakikipagbakbakan sa battlefield! πŸ†πŸ’₯

πŸ“… Registration: Until May 02, 2026 only
πŸ“ Open for all players sa barangay

πŸ‘€ Look for:
SK Chairperson Mechaella N. Carta
or
Mr. Jeremiah B. Mandia

Invite your friends, buuin ang squad, and let’s make this summer unforgettable! 🌊πŸ”₯

Register na bago maubos ang slots!

04/24/2026

πŸ€ BRGY. BUTAS NA BATO SUMMER LEAGUE 2026 πŸ€

Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Butas na Bato ang lahat ng interesadong koponan na makiisa sa ating Summer Basketball League 2026. Layunin ng palarong ito na palakasin ang samahan, disiplina, at sportsmanship ng ating kabataan lalo na ngayong bakasyon.
Excited na kaming makita ang inyong galing, teamwork, at sportsmanship sa loob ng court!

πŸ“Œ Registration Details
πŸ—“ Registration Deadline: May 05, 2026 only

πŸ’° Entry Fee:
β€’ Senior Division – β‚±1,000 per team
β€’ Junior Division (18 y/o & under) – FREE
Limited to 2 teams only (Junior Division)
❗ Limited slots lamang, kaya siguraduhing makapagpa-register agad ang inyong team.

πŸ“’ Mandatory Meeting
Lahat ng manlalaro ay inaasahang dumalo para sa mahahalagang detalye tulad ng rules,schedule, at ilang mahahalagang katanungan at suggestions.
πŸ—“ May 02, 2026 (SABADO)
⏰ 3:00 PM

πŸ“© Para sa registration at iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay SK Mechaella Navarro Carta

Kita-kits sa court!

02/12/2026

Magandang araw!

Ang Alternative Learning System (ALS) ng Dingalan National High School ay kasalukuyang nagsasagawa ng Early Registration para sa ALS – Senior High School (SHS) para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Kaugnay nito, kami po ay magalang na nag-aanyaya sa mga Out-of-School Youth (OSY) ng ating barangay na dumalo sa isang pagpupulong upang personal na makaharap at makausap ang ALS Teacher ng Dingalan NHS. Layunin ng pagpupulong na maipaliwanag nang maayos ang mga detalye ng programa, mga kwalipikasyon, kinakailangang dokumento, at iba pang mahahalagang impormasyon hinggil sa pagpapatala.

Ang nasabing pagpupulong ay gaganapin sa:

Petsa: Biyernes, 13 Pebrero 2026
Oras: 1:30 ng hapon
Lugar: Barangay Hall

Hinihikayat po ang lahat ng interesadong OSY na dumalo upang mabigyan ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng ALS program.

Inaasahan po ang inyong pakikiisa at pagdalo.
Maraming salamat po!

BEST PLAYER OF THE GAME | MIDGETS DIVISION Congratulations kay  #5 Avecilla, Edgar James ng DESPERADOS  bilang Best Play...
12/30/2025

BEST PLAYER OF THE GAME | MIDGETS DIVISION

Congratulations kay #5 Avecilla, Edgar James ng DESPERADOS bilang Best Player of the Game sa 2nd game ng Midgets Division! πŸ‘πŸ”₯

⭐️ Game 2
#5 Avecilla, Edgar James (DESPERADOS)
πŸ“Š Final Score: DESPERADOS – 66| KALYE 3 – 38

Salamat sa ipinakitang galing, sipag, at sportsmanship sa loob ng court.
Keep it up!




πŸ€ YEAR-END BASKETBALL LEAGUE | DAY 2 RESULTSNarito ang mga naging resulta ng mga laro sa Day 2 ng ating Year-End Basketb...
12/29/2025

πŸ€ YEAR-END BASKETBALL LEAGUE | DAY 2 RESULTS

Narito ang mga naging resulta ng mga laro sa Day 2 ng ating Year-End Basketball League:

πŸ“Œ Game Results:
β€’ Kalye 3 – win by default vs. Baliwag Boys
β€’ Bay Area wins vs. Talipapa
β€’ Zone 1 wins vs. The Venum

Salamat sa lahat ng teams at sa mga nanuod na patuloy na sumusuporta sa liga.




Address

Butas Na Bato, Dingalan
Aurora

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Butas na Bato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share