12/08/2026
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Zamboanga City Jail Female Dormitory (ZCJFD), sa ilalim ng pangangasiwa ni JCSUPT AMADO A CONCEPCION JR., CESE, Direktor ng Panrehiyong Tanggapan, at pamumuno ni JCINSP MELCAH T QUIPSE, City Jail Warden, ay patuloy na nagsusulong ng matibay na ugnayan at pakikipagtulungan sa mga katuwang na tanggapan at institusyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Noong Agosto 11, 2026, nagsagawa naman ng Courtesy Call ang ZCJFD kay Konsehal Hannah Macrohon Nuรฑo sa Sangguniang Panlungsod, kung saan tinalakay ang mga posibleng pakikipagtulungan para sa kapakanan, edukasyon, at rehabilitasyon ng mga PDL. Ipinahayag ni Konsehal Nuรฑo ang kanyang kahandaang magbigay ng mga kagamitang pang-aral at iba pang kinakailangang gamit para sa mga mag-aaral ng ALS at Madrasah.
Bilang tanda ng pagpapahalaga, naghandog ang ZCJFD ng Banana Cake at unan na gawa ng mga PDL bilang bahagi ng kanilang mga gawaing pangkabuhayan.Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, pagkakaisa, at patuloy na pakikipagtulungan ng mga sangay ng pamahalaan, patuloy na isinusulong ng ZCJFD ang mahusay, makatao, at responsableng serbisyo publiko tungo sa mas makabuluhang rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng mga PDL.
#๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป
============================================
For more updates, please don't forget to follow and like this page at the link below.
https://www.facebook.com/share/1K9e57CFao/?mibextid=wwXIfr