LGU Candelaria, Zambales

LGU Candelaria, Zambales Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGU Candelaria, Zambales, Public & Government Service, Poblacion, Candelaria, Zambales.
(1)

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | ๐ƒ๐€๐˜ ๐ŸSa pangunguna ni Mayor Byron Jones E. Edquilang,  kasalukuyang ginaganap ang EMPOWERED 2026 Youth L...
30/05/2026

๐‡๐€๐๐๐„๐๐ˆ๐๐† ๐๐Ž๐– | ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ

Sa pangunguna ni Mayor Byron Jones E. Edquilang, kasalukuyang ginaganap ang EMPOWERED 2026 Youth Leadership Summit na may temang โ€œYouth Leaders for Sustainable Futuresโ€ sa Candelaria Central Elementary School.

Sa pamamagitan ng pamumuno at koordinasyon ni Ms. Kathleen E. Pulangco, MMPA, LYDO, pinagsasama-sama ng summit ang mga kabataan upang paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, palakasin ang kanilang pakikilahok sa komunidad, at ihanda sila bilang mga susunod na lider ng bayan.

Patuloy na ipinapakita ng Lokal na Pamahalaan ng Candelaria ang suporta nito sa mga programang nagbibigay-kapangyarihan sa kabataan at nagtataguyod ng isang mas maunlad at napapanatiling kinabukasan.

Lead Boldly. Sustain Wisely. Inspire Change. Build Tomorrow.

Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Bayan ng Candelaria sa pangunguna ni Mayor Byron Jones E. Edquilang, RN dahil s...
29/05/2026

Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Bayan ng Candelaria sa pangunguna ni Mayor Byron Jones E. Edquilang, RN dahil sa pagkamit ng IDEAL FUNCTIONALITY sa FY 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment!

Patunay ito ng mahusay na pamamahala, pagkakaisa, at patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat batang Candelarian.

Mabuhay ang LGU Candelaria! ๐Ÿ’™

๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€Sa pamamagitan ng Executive Order No. 17, Series of 2026, muling ipatutupad ng Pamaha...
28/05/2026

๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜€

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 17, Series of 2026, muling ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria ang regular na oras ng trabaho sa lahat ng municipal offices simula June 1, 2026.

Ayon kay Hon. Byron Jones E. Edquilang, RN, Municipal Mayor, layunin ng kautusang ito na higit pang mapabuti ang kahusayan sa operasyon at patuloy na makapagbigay ng maayos at tuloy-tuloy na serbisyo publiko sa mga Candelarian.

Ang regular na office hours ay mula 8:00 A.M. hanggang 5:00 P.M., Lunes hanggang Biyernes.



๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORYInaabisuhan po ang lahat ng mga pangalang nakalista sa larawan na maaari nang kunin ang kanilang Certif...
28/05/2026

๐Ÿ“ข PUBLIC ADVISORY

Inaabisuhan po ang lahat ng mga pangalang nakalista sa larawan na maaari nang kunin ang kanilang Certificate of Completion para sa Theoretical Driving Course (TDC).

Ang mga nasabing certificate ay maaaring i-claim sa Mayorโ€™s Office sa loob ng oras ng opisina. Hinihikayat ang lahat na magdala ng valid ID para sa maayos at mabilis na pagkuha ng kanilang dokumento.

Sa pangunguna ni Mayor Byron Jones Edquid Edquilang, patuloy pong isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria ang mga programang nagbibigay kaalaman at nagsusulong ng disiplina at kaligtasan sa lansangan.

Ang pagkumpleto sa Theoretical Driving Course ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging responsable, disiplinado, at ligtas na motorista sa ating komunidad. Nawaโ€™y magsilbi itong gabay upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga kalsada.

Binabati namin ang lahat ng mga nagsipagtapos at matagumpay na nakumpleto ang nasabing programa. Patuloy po nating suportahan ang mga programang naglalayong mapaunlad ang kaalaman at disiplina ng bawat mamamayan.

Maraming salamat po.


May 28 2026|โ€œLibreng Bigas ng Panguloโ€ sa ilalim ng Rice Assistance ProgramNgayong araw patuloy na dinaragsa ng mga bene...
28/05/2026

May 28 2026|โ€œLibreng Bigas ng Panguloโ€ sa ilalim ng Rice Assistance Program

Ngayong araw patuloy na dinaragsa ng mga benepisyaryo ang Plaza ng Candelaria, Zambales para sa pamamahagi ng โ€œLibreng Bigas ng Panguloโ€ sa ilalim ng Rice Assistance Program.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naipapakita ang malasakit at pagtutulungan ng pambansa, panlalawigan, at lokal na pamahalaan upang makatulong sa mga pamilyang Candelarianos, lalo na sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Lubos ang pasasalamat ng mamamayan sa suportang ipinagkakaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pangunguna ni Gov. Jun Ebdane, upang matiyak na makarating ang tulong sa bawat nangangailangang mamamayan.

Dumalo at nagsalita si Mr. Gilbert Ebilane, LPT bilang kinatawan ni Mayor Byron Jones โ€œNik-Nokโ€ Edquid Edquilang, RN. Sa kanyang mensahe, kanyang ipinabatid ang taos-pusong pasasalamat sa pambansang pamahalaan at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales para sa patuloy na programang nagbibigay ayuda at ginhawa sa mga mamamayan.

Ipinaabot din ni Mayor Byron Jones โ€œNik-Nokโ€ Edquid Edquilang, RN ang kanyang buong suporta at taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga programang direktang nakakatulong sa mga mamamayan, partikular sa mga pamilyang nangangailangan.

Patunay ang programang ito na sa sama-samang pagkilos at tunay na malasakit sa bayan, mas maraming pamilya ang mabibigyan ng pag-asa at ginhawa sa araw-araw na pamumuhay.

Maraming salamat po sa lahat ng nagtutulungan upang maging maayos at matagumpay ang aktibidad na ito para sa kapakanan ng bawat Candelariano.



26/05/2026

โœจ EmpowerED 2026: Youth Leadership Summit Program Flow โœจ

Narito na ang program flow para sa tatlong araw ng makabuluhang pagkatuto, paghubog, at pakikilahok ng kabataang Candeleriano. Mula sa leadership sessions, good governance discussions, mental health and spiritual awareness, gender equality and SOGIE awareness, safety and preparedness sessions, team-building activities, Pasiklaban Night, hanggang sa Brigada Eskwela participation โ€” ang bawat bahagi ng summit ay dinisenyo upang palakasin ang kakayahan, disiplina, malasakit, at pananagutan ng ating youth leaders.

Sa temang โ€œYouth Leaders for Sustainable Futures,โ€ layunin ng EmpowerED 2026 na hubugin ang mga kabataang handang mamuno, maglingkod, at makibahagi sa pagbuo ng mas ligtas, mas inklusibo, at mas sustainable na kinabukasan.

๐Ÿ“… May 30โ€“31, June 01, 2026
๐Ÿ“ Candelaria Central Elementary School, Brgy. Poblacion, Candelaria, Zambales

Handa na ba kayong matuto, makiisa, at mamuno?

Lead boldly. Sustain wisely. Inspire change. Build tomorrow.









Address

Poblacion, Candelaria
Zambales

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Candelaria, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share