27/10/2023
๐๐๐๐ & ๐๐๐
Barangay Bignay, Valenzuela City
Noon at Ngayon sa pamumuno ng ating ๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
Kung ikaw ang lehitimong taga Bignay o galing sa pamilyang dito na talaga nakatira noon pa man ay masasabi mong malaki na ang ipinagbago ng ating Barangay. Mga pagbabagong dulot ay lungkot at saya base sa kung paano natin ito titignan. Kung ikaw naman ay taga ibang Barangay na nalipat o piniling lumipat dito dahil sa relocation, nangungupahan o nakabili ng bahay at lupa para dito na manirahan, malamang ay ibang-iba na ang inyong nasaksihan sa paninirahan dito.
๐๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ฒ๐๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ค๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐จ ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ.
Noong 90's o early 2000 ay sobrang liblib ng ating Barangay. Maraming bakanteng lote na puro puno at damo lang ang nakikinabang. Iilan lamang ang residente na sila-sila ding magkakapamilya ang magkakapit-bahay. Lubak-lubak na kalsada kada sitio na kulang nalang ay bumigay ang gulong ng sinasakyan mo. Limitado lang din ang access sa gamot, gamit sa ambulance dahil maliit lang ang pondo ng Barangay. Walang sariling high school noon na sa Barangay Lawang Bato pa kailangan mag-aral at kailangan lakarin ng mag-aaral.
Imagine? Ganyan kahirap ang sitwasyon noon. Kakaunti nga ang residente pero dahil dun, kakaunti lang ang pondong nalilikom kaya limitado lang din ang mga pribilehiyong natatamasa ng mga taga Barangay Bignay noon.
Fast-forward, noong naging pinuno ng ating Barangay ang ating KAP. GARCING VICTORIANO ay nagsimula nang magbago ang ating komunidad. Sa tulong ng noo'y at bagong Mayor ng Valenzuela City na si Sen. WIN Gatchalian ay sinimulan nilang ayusin ang problema sa ating Barangay.
1. Sinimulan nila ang pagtanggap sa mga residente ng ibang Barangay na ngayon ay naninirahan sa Northville 1 at Northville 2. Dahil sa bilang ng pamilyang nadagdag sa populasyon ng ating Barangay ay nadagdagan din ang mga pondong nalilikom sa mga tindahan, paupahan, community tax, at kung ano pa man. Mga pangyayaring akala natin wala lang pero may malaking tulong sa ating Barangay.
2. Lumipas ang panahon ay nadagdagan ng mga subdivision mula sa Valenzuela Heights, Valenzuela View & Condo at Grande Vita. Mga dagdag na residente na nakakatulong din sa ating pondo mula sa mga tax na kanilang binabayaran. Dahil sa dami pang bakanteng lote ay nadagdagan ang subdivision sa loob ng ating Barangay. Nagsimula sa Nova Romania na sinundan ng Avisea, Grand Cedar, Verra at ang huli ay Tierra Alta. Mga bakanteng lupa noon na walang kinikita ang Barangay pero ngayon ay nakaka tulong sa ating tuloy-tuloy na pag-unlad.
3. Noong 2016 naman sa pamumuno ng noo'y Mayor ng ating lungsod na si DSWD Sec. Rex Gatchalian ay itinayo ang pinakamalawak at pinakamaayos na relocation site ng bansa, ito ang Disiplina Village. Ang dating bukirin na pinagkukunan ng palay ay ngayo's nagagamit para maging tirahan ng ating residente at dagdag na pondo din ito para sa ating Barangay.
4. Ang MALL ng ating Barangay. Napakaswerte ng mga bata ngayon dahil kahit anong oras, pwede sila kumain sa Jollibee. Birthday, graduation, binyag ay meron silang mapupuntahan para magcelebrate. Noon kasi, lalayo pa para lang makakain sa labas. Dagdag pondo ang nalilikom ng ating Barangay dyan para magamit natin sa mas malawak na serbisyo publiko sa ating Barangay.
Sa kabuuan, nakakatuwang isipin na ang mga adhikain ng GATCHALIAN Brothers sa pakikipagtulungan ng ating KAP. GARCING VICTORIANO ay napagtagumpayan nila sa loob ng mahabang panahon. Naging produktibo ang ating Barangay. Nagkaroon ng sapat na pondo para punan ang lahat ng pangangailangan ng ating residente. Mas maraming nangangailangan ang natutulungan.
Ano ang nakakalungkot sa kwentong ito?
Syempre, nakakamiss din ang minsang tahimik na lugar ng Bignay. Yung tilaok ng tandang ang gigising sayo. Yung lamig na dulot ng maraming puno. Yung huni ng ibon at ingay ng mga insekto ang tanging maririnig mo habang naglalakad sa malawak na bukirin dito sa Bignay.
Pero ganun pa man, ganun talaga siguro pag ang lugar ay umuunlad. Kailangan natin umusad para sa kinabukasan.
Kaya naman ngayong eleksyon, TULOY NA PROGRESO ang boses ng TEAM VICTORIANO-LOPEZ.
Maraming salamat po!